~HUG~part two

180 5 2
                                    

HALOS kalahating oras din siyang nanatili sa loob ng sasakyan niya bago magpasyang bumalik na sa hospital room ni Ali. Naisip niyang hindi ito ang tamang panahon para magmukmok sa isang tabi. Kailangan niyang magpakatatag para sa kapatid niya.

Alam niyang marami pa silang pagdadaanan at nagsisimula pa lamang sila.

Papasok na siya ng hospital ng mapadako ang paningin niya sa isang tao na pamilyar sa kanya. Humahangos na tumatakbo ito sa elevator. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang labis na pag-aalala.

At kung hindi siya nagkakamali ay si Francis Llido iyon. Ngunit bakit nasa hospital ito? May emergency kayang nangyari?

Bago pa siya makapag-isip ng iba ay napapitlag siya ng may bigla humawak sa balikat niya.

"What the-"

"Hey, easy. Ako lang ito, Jullie."

"Yasser?"

Nginitian siya nito bago sumagot. "The one and only, Ms. Sexy."

"What are you doing here? Dito ba nagwowork ang latest girlfriend mo?"

"Hey! Nagbago na kaya ako. I'm not the playboy type anymore."

Nagkibit-balikat siya. Iyon yata ang bagay na di niya kayang paniwalaan na mangyayari dito. Never in her entire life she would believe that.

"Tell that to marines, Yasser. Baka sakaling maniwala sila dyang sa sinasabi mo."

Pumalatak ito sa sinabi niya. "Ikaw talaga, Jullie. Lagi mo na lang akong inaapi."

"I'm just telling the truth. Anyway, I'll go ahead."

"Wait! Sino pupuntahan mo? Si Camille din?"

Awtomatikong napakunot siya ng noo sa sinabi nito. "Si Camille? No, hindi siya ang pupuntahan ko. Why? Nasa hospitak siya?"

"Haven't you heard the news? Naaksidente siya kagabi."

Pakiramdam niya para siyang sinuntok sa dibdib pagkarinig sa sinabi ni Yasser and at the same time para siyang nahirapan huminga ng mga oras na iyon.

"A-anong nangyari? Bakit siya naaksidente?"sabi niya sa nanginginig na tinig.

"Jullie, are you okey? Ang akala ko alam mo na ang nangyari sa kanya.."

Madiin siyang umiling. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ni Yasser at niyugyog iyon.

"Please, dalhin mo ko sa kanya. I-i wanted to see her. Gusto kong malaman na okey lang siya.."

"Okey, dadalhin kita sa kanya. Just relax, Jullie."

Parang wala siya sa sarili habang sumusunod kay Yasser.

Una, may sakit ang kapatid niya. Pangalawa, naaksidente ang bestfriend niya.

Naramdaman niya ang masuyong pag-akbay nito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay siniko na niya ito ngunit hinayaan na lang niya si Yasser. Ang nasa isip niya ngayon ay kung ano ang sitwasyon ng kaibigan.

Sana okey lang ang lahat. Sana walang nangyari makakasama dito.

Tahimik lang silang pareho hanggang sa makarating na sila sa labas ng ICU. Nagulantang siya ng bigla na lamang sapakin ni Francis si Paul na natahimik lang na nakatayo sa isang tabi.

"You're such an asshole! Wala ka ng ibang ginawa kundi saktan si Camille!"galit na galit na sabi ni Francis.

Walang anumang tumayo si Paul mula sa pagkakasadsad sa sahig. Pinahid nito ang dumugong labi ngunit parang walang balak na gumanti ito.

"Sorry.."he murmured.

Mas lalong bumakas ang matinding galit sa mukha ni Francis dahil sa sinabi ni Paul. Susugurin sana ulit nito ang huli ngunit pigil pigil na ito ni DJ at Kenesis.

"Sorry? Yun lang ang masasabi mo? Look at her, Paul. Look at her! Nasa ICU siya ngayon at nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa kasakiman. Damn you! I'll gonna kill you kapag may nangyaring masama sa kanya!"sumisigaw na sabi nito.

Hindi kumibo ang huli. Bagkus ay tahimik na napaupo lang ito at nakayuko ang ulo.

Nasasalamin ang labis na pagsisisi sa mukha nito.

"Easy ka lang, Pare."ani ni DJ.

Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Ngunit siya ang umiwas ng tingin dito. Hanggang ngayon pa din kasi ay nasa isip pa din niya ang paghahalikan nila kagabi.

Umiling siya. Di tamang isipin pa niya sa ngayon ang ganoong bagay.

Tinuon niya ang paningin sa pintuan ng ICU. Mula sa maliit na salamin nito ay nakita niya ang kaibigan na parang wala ng buhay na nakahiga sa kama. Maraming aparato ang nakakabit dito. Ngunit mas pansin ang bendang nakabalot sa ulo nito.

Tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mata niya.

"Camille.."sambit niya. "Anong nangyari?"tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa kaibigan.

Narinig niya ang marahas na paghinga ni Francis. "Hit and run. Sa harapan ng bahay ni Paul!"

Mariin siyang napapikit.

Si Paul na naman. Siya na naman ang dahilan ng paghihirap ng kaibigan niya. Na kahit sariling buhay nito ay nalagay sa panganib dahil lang sa pagmamahal nito sa lalaki.

Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Mabilis niyang nilapitan si Paul. Maya-maya ay tiningala siya nito.

"Jullie.."

Nang hindi na siya makapagpigil ay malakas na umigkas ang kamay niya sa pisngi nito.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Bakit siya ang nandyan ngayon sa ICU at nakaratay? My god! Di niya dapat pinagdadaanan ang ganyang bagay. Ano bang ginawa niyang masama sayo para saktan mo siya?"

Nang hindi ito kumibo ay niyugyog niya ang mga balikat nito.

"Sumagot ka!"

Naramdaman niya na may malakas na pwersa na pilit siyang nilalayo kay Paul.

"That's enough, Jullie."

"Let me go!"piksi niya kay DJ habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso nito.

"I said that's enough! Hindi tamang oras para mag-away away!"

Binitiwan lang siya nito ng medyo makalayo na sila kina Paul.

Galit na hinampas niya ito sa braso. "You better stay out of this, Didrey! Kailangang malaman ng Paul na yun ang ginawa niyang mali sa kaibigan ko."

"Pero hindi ito ang tamang oras para sa pag-aaway. Ang mas mahalaga ay ang gumaling na si Camille."

"Huwag kang magmarunong! Ano bang alam mo ha? May ideya ka ba kung gaano sinaktan ng lalaking iyon ang kaibigan ko?"naramadaman niyang unti-unting umagos ang masaganan luha sa pisngi niya.

Bigla na lang siya nitong kinabig para yakapin.

"Sshh.. Magiging okey din ang lahat."sabi nito sa pagitan ng masuyong paghaplos sa likod niya.

Hanggang sa natagpuan na laman niya ang sariling umiiyak sa balikat nito at gumaganti ng yakap

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon