Chapter Eleven ~THE KIDNAPPER~

175 4 1
                                    

A/N: Happy 100 fans! Hehe. Masaya ako kasi may nagtyatyaga pala magbasa sa mga istorya ko. Enjoy reading!;)

"WHAT?Nawawala si Paul?" kunot-noong sabi niya kay Francis.

"According to Dexter, yeah nawawala nga si Paul. Ang duda niya, kagabi siya kinidnap."

"Are you sure that he's been kidnapped? I mean may proof ba si Dexter na kinidnap nga si Paul?"

"You know him, Didrey. Hindi siya mag-aassume ng ganung situation nang walang basehan."

Ilang sandali siyang nawalan ng imik sa sinabi ni Francis. May punto ito. Kilala niya si Dexter, lahat ng sinasabi nito ay may basehan. At kung totoo nga ang hinala nito na kinidnap nga ang kaibigan nila, isa iyong napakalaking problema.

"What are we gonna do now? Kung nakidnap nga si Paul, malamang tatawag ang mga kidnappers niya para sa ransom." anas niya.

Malamang sa malamang ay pera ang habol ng mga ito kay Paul. Mayaman ang pamilya nito. They owned one of the biggest hospital in the country kaya walang dudang kidnap for ransom ang ground sa pagkawala ng kaibigan. Naikuyom niya ang kamao. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa kaibigan. Hindi sila papayag.

Napatingin siya kay Francis na ngayon ay napakaseryo na nang ekspresyon.

"We'll wait for Dexter's call, DJ. Sa ngayon, kailangan natin huminahon at wala tayong dapat na gawin na drastic moves sa palalain ang situation."

"Alam na ba nina Kenesis ang situation?"

"I think so. Malamang ay tinawagan na din sila ni Dexter."

Saglit siyang natahimik at nag-isip. Kailangan nilang mag-isip ng tama at huwag mataranta. Alam niyang hindi iyon makakatulong sa sitwasyon.

"What about Yohanne? Alam na ba niya ang nangyari kay Paul?" tukoy niya sa fiancee nito.

Umiling si Francis. "I guess hindi pa. Tayo lang siguro ang nakakaalam sa nangyari."

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Maya-maya ay nakareceive na sila ng tawag mula kay Dexter. Dali-dali iyong sinagot ni Francis. Saglit lang ito nakipag-usap at binaba na agad.

"Anong balita?"

Tinignan siya nito ng seryoso. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan.

"What, Francis? Spill it out." iritadong sabi niya.

Bumuntong-hininga muna ito bago magsalita.

"Nakita na si Paul." sabi nito.

Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig na balita dito. Marami siyang gusto pang malaman na kasagutan sa tanong niya ngunit hindi muna mahalaga iyon. Ang importante ay nakita na si Paul.

"At may kinalaman si Jullie sa pagkawala niya, Didrey."

"What?! There must be a big mistake on that, Francis. Hindi ako naniniwalang may kinalaman si Jullie sa pagkawala ni Paul." mariing sabi niya.

"Easy, pal. Dexter is not sure regarding that issue. We need to clarify things pa bago tayo magconclude. Ang mabuti pa pumunta na agad tayo sa bahay nina Dexter. Nandoon na daw ang iba."

Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Agad silang umalis sa opisina niya para magpunta kina Dexter.

Alam niyang walang kinalaman si Jullie sa pagkawala ng kaibagan. And he was sure of that.

"BRENT? What a surprise!"

Agad niyang sinalubong si Brent na ngayon ay nasa visitor's lounge ng salon niya. Kanilang lang ay itinawag sa kanya ng secretary niya na bisita niya ito. Nakangiting tumayo ito at sinalubong siya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon