Chapter Six - Mr. Playboy

269 4 0
                                    

PUMASOK na rin siya sa office kinabukasan. Gusto pa sana niyang bantayan si Ali ngunit mapilit ito na kaya na nito ang sarili. Medyo okey na rin kasi ang pakiramdam nito kaya hinayaan na lang niya. Mahigpit din naman niyang binilin ito sa mga kasama nila sa bahay kaya hindi na siya gaanong nag-aalala.

Papalabas na nang gate ang kotse niya ng mapansin niyang may nakaparadang sasakyan sa tapat nang bahay nila. Napakunot-noo siya ng makita niya si Yasser na ngayon ay nakasandal sa kotse nito.

Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito?

Inihinto muna niya ang kotse sa tapat nito bago niya binuksan ang bintana.

"Anong masamang kaluluwa ang nagdala sayo dito, Yasser?"

Narinig niya ang pagtawa nito sa sinabi niya. Napakagwapo nito ng mga oras na yun. Hindi mapagkakailang habulin talaga ito ng mga girls. Lutang na lutang kasi ang appeal nito sa suot na long sleeve.

"Good morning, Ms. Beautiful."

He smiled at her na naging dahilan upang lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Lumapit ito sa kotse niya at sinilip din siya sa bintana.

"What's good in the morning? Eh ang aga mo kayang nambulahaw."

He smirked at her. "Ikaw naman. Napakasungit mo talaga sakin kahit kailan. Sige ka, hindi na kita ilalakad kay DJ."

Napakamot siya ng baba. Hanggang kailan ba siya nito tutuksuhin kay DJ?

"Hay naku, kung yung abnormal na yun lang ang pag-uusapan natin kaya maaga kang nang-istorbo, I better go na lang. Marami pa kong gagawin sa office."

"Kailan mo ba marerealize na mahal niyo pa ang isa't-isa?"

"Siguro kapag nagseryoso ka na sa isang babae baka ako pa ang manligaw kay Didrey."

Nahintakutang tinignan siya nito. Knowing Yasser, alam niyang hindi nito magagawang magseryoso sa babae. Hobby na yatang talaga nito ang pagiging playboy.

"Nagbago na pala ang isip ko, Jullie. Kahit huwag na lang pala kayo magbalikan. Forget it na lang." nakangiwing saad nito.

"Hay naku, Yasser. Wala ka pa ding pinagbago. What are you doing here ba?"

"Have you heard about Travis' Party?"

"Yes. Sinabi na sakin yan ni Paul nang magkita kami sa salon ko. Saka sino ba naman ang hindi nakakaalam pa nun? Talk of the town eh."

"Since alam mo na pala. May date ka na ba sa party niya?"

"Ha? Kailangan pa ba nun?"

Nagtaka siya ng biglang itong tumawa ng malakas. Okey, anong nakakatawa sa sinabi niya? Nagjoke ba siya? Parang hindi naman.

"What's funny?"

Umiling lang ito. "Kaparehong-kapareho kayo nang sagot ng taong kakilala ko."

"At sino naman yun?"

Nginitian lang siya nito. "I guess na wala kang ka-date sa party ni Travis. Can I be your date?"

Magrereact na sana siya sa sinabi nito ng magkarinig sila ng sunod-sunod at malakas na busina ng sasakyan mula sa likuran nila. Noon lang niya narealize na nakaharang pala ang kotse niya sa daanan. Pinarada niya sa gilid ang kotse niya.

Napakunot-noo siya ng makilala ang kotseng malakas na bumusina sa kanila ni Yasser. Kung hindi siya nagkakamali kay DJ na sasakyan na yun.

Nagtaka siya. Masyado kasing out of way ang pagdaan nito sa street nila kung papalabas ito ng subdivision.

"Mukhang may nagseselos ha." nakangising sabi ni Yasser na nakadungaw na ulit sa bintana ng kotse niya.

"Shut up. Back to business, bakit ako ang inaaya mo na maging date? Naubusan ka na ba ng chicks?"

He just smiled at her pero hindi nito sinagot ang tanong niya.

"Next week na ang party. Sunduin kita before 7pm. Is it okey with you, Jullie?"

Napailing siya. Mukhang wala naman siyang magagawa dito kung tumanggi man siya. Hindi ito tumatanggap ng salitang 'ayaw' at 'hindi'.

"Fine. Seven pm then."

Napangiti ito ng maluwag na para bang tuwang-tuwa na pumayag siya.

"Good to hear that. See you."

Muli siyang napailing habang tinatanaw ang palayong sasakyan ni Yasser. Wala siyang idea kung anong plano ang binabalak nito.

MALUWAG ang pagkakangiti niya habang nagmamaneho palayo kay Jullie. Sa ngayon, nagtagumpay siya sa unang plano niya para sa dalawa.

Sa totoo lang, ayaw na sana niyang makialam pa sa kung anuman ang namamagitan sa dalawa. Pero masyado na siyang nababagalan kay DJ. Matagal ng alam ng barkada na mahal pa rin nito si Jullie. Nagtataka nga sila kung bakit hindi ito gumagawa ng way para magkabalikan ulit ito kay Jullie.

Matalino at wais si DJ pagdating sa maraming bagay lalo na sa business. Pero napakaduwag pala nito kapag pag-ibig na ang pag-uusapan.

Titiyakin niyang magkakabalikan ang dalawa after ng party ni Travis. Aba, wala pa yata siyang ginusto na hindi nakuha. Lahat ng pinaplano niya natutupad.

Dahil sa malalim na pag-iisip hindi niya agad napansin na may biglang tumawid sa kung saan. Agad niyang inapakan ang preno ng sasakyan. Medyo napasubsob pa nga siya sa manibela sa lakas ng impact ng pagpreno niyang bigla. Buti na lang nakaseatbelt siya.

Nang makabawi siya sa pagkabigla ay dali-dali siyang umibis ng sasakyan.

"What the.. May idea ka ba na muntik na kitang madisgrasya, Miss?" naiiritang sabi niya habang nakatingin sa babae na nakatulala pa din sa kotse niya.

Malamang sa malamang, maski ito'y nashocked sa kaalamang muntik na niya itong masagasaan.

"Next time, mag-iingat ka naman sa pagtawid." sabi pa niya.

Hindi ito nagreact sa kanya bagkus ay tinignan lang siya nito.

Napansin niya agad ang magagandang mga mata nito na para bang sa tuwing lalo niyang tinititigan, nawawala agad siya sa katinuan.

Bakit napakaganda ng mga nito?

Nagulat siya ng bigla na lang itong umiyak ng malakas. Nataranta siya.

A/N : Pasensya na po ulit sa update. Mahal ko kayo..^___^

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon