TRAVIS' PARTY TWO

237 4 1
                                    

A/N: Medyo nalate po ang update ng Hermoso Avenue. Medyo stress kasi talaga ako this week and I'm sure mas titindi pa ito next week. Pagpasensyahan niyo na ang nakayanan kong update.

TRAVIS' PARTY PART TWO

"LOOKING for me?"

Agad siyang napalingon ng marinig niyang may nagsalita mula sa likuran niya. Nagulat siya ng makilala ang taong nasa harapan niya ngayon.

"Brent Asuncion? Is that you?" nanlalaki ang matang sabi niya.

Narinig niya ang pagtawa nito. " I didn't know na dito lang pala kita matatapuan. Kamusta ka na, Juls?"

Nang makabawi siya sa pagkabigla ay .ngumiti siya dito. Brent is her college friend. O mas tamang sabihin na ito ang kanyang nag-iisang bestfriend na lalaki noong college days niya. Naging kapalagayan niya ito ng loob nung naging classmate niya ito sa isang math subject nila. May isang formula kasi na hindi niya maintindihan ng mga panahong yun. Tinuruan siya ni Brent. Actually, he was a math genius. Kaya hindi na siya nagtataka kung isa na itong sikat na Architect international.

"Brent! Kailan ka pa nasa Pinas?" excited na tanong niya dito.

Medyo matagal-tagal na din kasi silang walang communication nito. Lalo na nang mag-stop siya ng studies at hawakan ang family business nila.

"Why don't we seat down first? Then saka tayo magkwentuhan. Anyway, may table naman ako some with my friends. Okey lang ba sayo?"

Tumango siya. "Why not? Wala pa rin naman akong makitang friends dito sa party. Iniwanan na kasi ako ng magali kong kapatid."

"You mean, si Aliza? How is she? Mukhang dalaga na ang bunso niyo, Juls."

"Yeah, sinabi mo pa. Second year college na siya. At hindi pa rin nababawasan ang kakulitan." sabi niya habang inalalayan siya nitong umupo.

"Where is she?"

"Naku, baka busy yun sa mga friends niya." sabi niya habang pinagmamasdan si Brent.

Napansin niya mas lalo yatang naging gwapo ito sa nakalipas na taon. Although, gwapo naman na talaga ito noong college days nila. Mas naging firm narin kasi ang tindig nito.

"Ang gwapo natin ngayon, Brent ha? Anong meron? May someone special na ba?" nakangiting sabi niya dito.

Namiss niya din makakwentuhan ito. Tanda pa niyo noon na si Brent lang ang nagpapatawa sa kanya.

"Finally, inamin mo din na gwapo talaga ako."

Pinaningkitan lang niya ito ng mata. "May sinabi ba kong gwapo ka? Wala naman akong matandaan."

Natatawang hinaplos nito ang pisngi niya. "Hindi ka pa din nagbabago, Juls."

"Tse! Hindi talaga ako magbabago kasi maganda talaga ako." sabi niya sabay tapik sa kamay nitong nasa mukha niya.

Tinignan siya ni Brent ng ilang sandali na para bang hindi pa din ito makapaniwalang magkausap sila. Ngunit maya-maya ay ngumiti ulit ito sa kanya.

"How's your business? Mukhang lalo

yatang lumalaki ang Poseur ha. I'm glad for that, Juls."

Nginitian lang niya ito. "Alam mo bang nababasa ko na lang sa magazines and newspaper ang mga nangyayari sa buhay mo? Hindi na nga kita maabot eh." kunway nagtatampong sabi niya dito.

"Sorry for that, Juls. Mas nagfocus kasi ako sa career ko."

"You're forgiven, Brent. Wait, kilala mo pala si Travis?" takang tanong niya dito.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon