PAIN part four

153 3 0
                                    

“GOOD MORNING, ALI.” agad na bati niya sa kapatid pagkamulat ng mga mata nito.

Confusion written all over her face. Nagtatakang tinignan siya nito.

“W-where am I? What happened?”

Tipid na nginitian muna niya ito bago sumagot. “Nawalan ka ng malay kagabi. Kaya minabuti kaming dalhin ka sa hospital. Goodness, you scared the hell out of me, Ali.”

Napansin niya ang takot na bumakas sa mukha nito pagkarinig sa sinabi niya.

“N-nawalan ako ng malay? P-pero.. ”

Hinaplos niya ang kamay nito. “It’s alright. Palagay ko sobrang fatigue ang stress lang ang nangyari sayo kaya ka nawalan ng malay. But you’re going to be alright okey? Baka nga mamaya lang eh i-discharged na tayo ng doctor.”

Kinagat nito ang pag-ibabang labi. Bakas sa mukha ng kapati niya ang labis na takot. Pero bakit? Anong kinatatakot ng kapatid niya?

“What’s wrong, Ali? May problema ba?”

Umiling lang ito. Napansin niyang anumang oras ay tutulo na ang luha nito.

“Si Vaughn? Where’s Vaughn?”

“Wala siya dito, Ali. Saka bakit mo ba hinahanap yun? I’m here for you, okey? Hindi kita pababayaan-”

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Please.. I need to see him. Tawagan mo siya pakiusap, Ate Jullie..”tuluyang tumulo ang luhang nagbabadya sa mga mata nito.

Hindi makapaniwalang tinignan niya ang kapatid. Ganoon na ba  talaga nito kamahal si Vaughn? Na halos magmakaawa na ito sa kanya para lang makasama ang lalaki? Ngayon lang niya nakitang makiusap ng ganoon ang kapatid niya. At dahil lang iyon sa iisang lalaki.

She sighed. Mukhang sa ngayon ay kailangan muna niyang pagbigyan ito na makipagkita kay Vaughn. Saka na lamang niya kakausapin ng masinsinan ang kapatid niya tungkol sa pakikipag-ugnayan nito sa lalaki. Ang mahalaga ay maging stable ang kalagayan nito.

“Okey, okey. I’ll call him.” hinawakan niya ang magbilang balikat nito at pinilit na ihiga sa kama. “Just relax okey? Tatawagan ko na siya agad.”

“Please.. I need to see him..”

“You’ll see him later, Ali. Ang mabuti pa habang hinihintay mo siya, kumain muna tayo. What would you like for breakfast?”

Umiling-iling ang kapatid niya. “Hindi ako nagugutom. I.. I just wanted to see him, Ate Jullie. Papuntahin mo na siya dito please..” muling pakiusap nito.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumango. “Okey, tatawagan ko na siya.”

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Wait for me here, okey? Call the nurse kung may kailangan ka.”

Malungkot na tumango ang kapatid niya. Bakit kailangan pa nitong magkaganito dahil lang sa pagmamahal ni Vaughn? Ayaw niyang nakikitang nasasaktab ang kapatid niya.

Paglabas niya ng kwarto nito ay sinaubong agad siya ng isang nurse.

“Ms. Alegre, pinapatawag po kayo ni Dr. Samaniego sa office niya.” sabi sa kanya nito.

“Bakit daw?”

“Mukhang lumabas na po ang resulta ng mga laboratories ng patient. Puntahan niyo na lang po si Doctor.”

Tumango siya dito bago nagmamadaling pumunta sa opisina ng doctor ng kapatid niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. What if may malalang sakit ng kapatid niya?

Pinilig niya ang ulo sa naisip. Kailangan niyang maging positibo para dito.

Humugot muna siya ng hininga bago nagpasya kumatok sa pintuan ng office ng doctor. Nang marinig niya ang boses nito ay agad siyang pumasok. Binati muna niya ang doctor bago tuluyang umupo sa harap ng desk nito.

“Lumabas na daw po ang results ng laboratories ng kapatid ko, Doc? How is it? Anong result?”

Tinignan muna siya nito ng seryosong ekspresyon bago inilapag sa harapan niya ang resulta na nasa papel.

"Your sister has a chronic lymphocytic leukemia, Ms. Alegre."

Umuwang ang bibig niya pagkarinig sa sinabi ng doctor.

Chronic Lymphocytic Leukemia?

Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya sa sobrang tension na nararamdaman ng mga orasa na yun.

Umiling-iling siya.

No. Walang sakit ang kapatid niya.

Itinulak niya ang papel na nasa harap niya palayo sa kanya saka tinignan ang doctor.

"T-there must be a m-mistake on the results, Doc. Walang sakit ang kapatid ko. Baka nagkamali lang kayo.."

"You can consult a second opinion, Ms. Alegre. Pero I'm very sure about the results. Hindi pa malaman kung anong stage na ang leukemia niya but we need to get ready anytime. Di biro ang sakit ng kapatid mo."

Naramdaman niya ang unti-unting pag-iinit ng mga mata niya. Hanggang sa dumaloy na ang masaganang luha sa pisngi niya. Mula sa panginginig na kamay ay hinawakan niya ang braso ng doctor.

"G-gagaling pa ang kapatid ko, diba? Gagaling pa ang kapatid ko.."

Bumuntong-hininga muna ang doctor bago mahinahong tinanggal ang kamay niya sa braso nito.

"We're hoping for that. Sa ngayong kailangan muna natin malaman kung anong stage ang cancer niya para malaman kung anong dapat na gawing action. And she needs to stay in the hospital for now. "

Marami pa itong sinabin na dapit niyang gawin ngunit nanatiling blangko ang isipin niya. Halos ayaw mag-sink in  sa utak niya ang lahat ng impormasyon na sinasabi nito tungkol sa sakit ng kapatid niya.

Ilang sandali na siyang nakalabas ng opisina ngunit nakatulala pa din siya.

Di siya makapaniwalang may leukemia ang kapatid niya. Ni wala sa hinagap niya na magkakasakit ito ng ganun.

Sa dami ng tao sa mundo, bakit ang kapatid pa niya? Buong buhay niya, nilaan niya para dito. Ginawa niya ang lahat para maging masaya ito.

At ngayon, pinahihirapan lang ito ng sakit. Hindi nito deserving ang ganoong klaseng paghihirap.

Hinawakan niya ang naninikip na dibdib niya. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling umiiyak.

"Ali.."sabi sa pagitan ng paghagulgol.

Ilang sandali pa siyang tumangis sa isang tabi bago nagpasyang bumalik sa kwarto kung nasan ang kapatid niya. Gusto niyang makita kung ayos lang ito. O kung may masakit ba dito.

Pagtapat sa pintuan ay di na naman niya mapigilang mapaiyak.

Hinding-hindi niya matatanggap ang sakit nito. Napakabata pa ng kapatid niya para danasin ang bagay na iyon.

Bakit kasi di na lang ang ang nagkasakit? Sana siya na lang at hindi si Aliza. Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ito sa buhay niya.

Aliza is the only reason why she still alive. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. At gagawin niya gumaling lang ito.

Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa at walang pagdadalawang-isip na tinawagan si Vaughn.

“Hello?”

Pinahid muna niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya bago magsalita.

“It’s me, Vaughn. G-gusto kang makita ng kapatid ko. Pwede ka bang magpunta dito? She wanted to see you..”

Ilang sandaling muna ang lumipas bago ito sumagot sa kabilang linya.

“Is she alright, Ate Jullie?”

“Pumunta ka dito to find out.” bagkus ay sabi niya.

“Okey. I’m coming.”

“Ah, Vaughn?”

“Yes po?”

“Nothing. Just.. Just come over here, okey? Hinihintay ka na niya.”

Pagsabi nun ay agad niyang pinutol ang tawag. Imbes na pumasok sa loob ng kwarto ni Aliza ay naglakad siya palayo.

TO BE CONTINUED..

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon