Kaye's POV
Naguguluhan man ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nilapitan ko si Quincy na cheer captain namin. Mukhang kanina pa sila nakapag-practice dahil parang naliligo na sila sa pawis.
“I've heard na pumasok ka na daw, mabuti't nakadalaw ka rito,” agad na sabi niya ng makalapit ako “what happened to your arm?” Sabay tingin niya sa kamay ko. Nagbuntong hininga ako at binalewala ang tanong niya. Nilingon ko naman ang pamilya ni Grey.
“What are they doing here?” Sabay nguso sa pamilya ni Grey.
“May important announcement daw.”
Tumango naman ako, gaano kaya ka importante at talagang halos lahat sila ay narito? Sana naman ay good news 'yan para naman hindi madagdagan ang problema ko. Ni hindi ko na alam kung ano ang gagawin tapos dadagdag pa 'yan? Abay parang puputok na ang ugat sa aking ulo dahil nakakapagod na.
Bigla namang tumayo ang daddy nila Grey. Bakit kaya hindi sinabi sa akin ni Cyrus na dadating ang pamilya niya ngayon?
“I know all of you are confused why we're here right now. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, mayroon pa kasi kaming pupuntahan. So I just wanna say to all of you that we we're sorry because the cheer dance is now cancelled. Because of some reasons that we can't tell. This is a big problem that no one can fix, so I hope all of you can understand. This is for your own good tho.”
Marami ang hindi umaayon, ang iba naman ay hindi nagsasalita pero nakabusangot ang mukha.
“You can't do that! Alam niyo naman kung gaano namin pinaghandaan ito! And then you just cancelled it? Dugo't pawis ang ibinigay namin dito for pet sake!” Sabi ni Quincy, agad namang nagbuntong-hininga si Mr. Laxamana at hinawakan ang kaniyang sintido.
“I know, I know and we were sorry about that. Para naman ito sa kaligtasan niyo. Also we can't tell kung ano talaga ang rason.”
“Seriously? ” Quincy gasp.
“Yes, also you can still dance naman next year.”
“Are you fucking kidding us? We were going to graduate at paano pa kami makakasayaw niyan? It's grandslam if you don't forget.” Napalunok naman agad ako. Nakita ko namang tumaas ang kilay ng Lolo ni Grey, ang daddy naman ni Grey ay nagsalubong ang mga kilay.
“Watch your word lady! Baka nakakalimutan mo kung sino ang minumura mo!” Pagalit na sigaw ni Mr. Laxamana.
“I’m sorry Dean.” Nakayukong paumanhin ni Quincy, napailing na lang ako.
“This meeting is all settled!”Iling-iling na sabi ni Mr. Laxamana. Agad naman silang nagsi-alisan.
Ang mga kasamahan ko ay hindi maipinta ang mukha. Medyo nalungkot rin naman ako dahil sayang ang lahat ng pinaghirapan namin. At talagang sa susunod na taon pa, na graduating na kami.
Wala kaming choice kahit masakit ay tatanggapin na lang namin. Nagbuntong hininga ako at walang sabi-sabing naglakad paalis. Agad akong pumunta sa office ng dean.
BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Action#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...