Kaye's POV
Ilang araw na rin ang lumipas no'ng inilibing si Kuya. Ang sakit na dinulot ng pagkawala niya ay habang buhay kong dalang-dala. Kahit patayin ko pa si Tasakashi ay hinding-hindi na mawawala ang sakit at hindi rin mababalik ang buhay ni Kuya na kinuha ni Tasakashi. Sisiguradohin kong hindi lang si Tasakashi ang masasaktan pati na rin ang pamilya niya, pamilya ng pamilya niya. Isa akong karma sa buhay nila.
“Sabihin mo na kasi sa akin germs ang buong kwento.” Napairap nalang ako dahil kay Grey. Simula no'ng malaman niyang magkapatid kami ng Ex niya ay palagi niya akong kinukulit tungkol roon.
“Kung lahat ay ii-kwento ko sa'yo ay aabot ng 365 days kapag isa-isahin ko pa ito. Dapat kasi ay makuntento ka sa sinabe no'ng Ex mo. Kahit anong kulit mo sa akin ay hindi ako magkwekwento sa'yo at lalong-lalo na si Ate. Tamad pa 'yun sa pagong.” Sabi ko na nagpanguso sa kanya. “Huwag mo nang isipin ang tungkol sa akin. Ihanda mo nalang ang iyong sarili dahil maspa-sparring tayo.” Agad namang nanlaki ang singkit niyang mata.
Ang katawan niya ay pang-basket ball player. Kaya halos ng mga babae sa campus ay nagkakagusto sa kanya.
“A-Ano? Bakit ngayon mo lang sinabe? Pambihira naman eh...” Sabay kamot sa ulo niya.
“Huwag mong sabihin na natatakot ka?”
“Anong takot? Bakit naman ako matatakot abir?” Napa-iling nalang ako at tinalikuran siya.
“Ihanda mo ang sarili mo baka ay hospital na naman ang aabotin mo!” Sigaw niya kaya agad kong itinaas ang middle finger ko. Pagpasok ko sa sparring room ay agad kong inayos ang sarili ko.
Hospital ha? Kung hahayaan kong gawin mo ulit 'yun.
Sakto namang pumasok si Grey kaya agad naman kaming nagsimula. Si Ate naman ang referee namin.
“Wait, bakit nandito ang babaeng iyan?” Salubong ang kilay ni Grey na nakatingin kay ate.
“Well, sa gandang kong 'to ginawa akong referee na magaling kong kapatid.” Sabay irap niya sa akin, tch.
“Nice germs...nice.” Natatawang sabi niya.
“Magsimula na tayo.”

BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Aksi#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...