Zary's POV
Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang hindi kabahan damn it. Sakanya lang talaga ako natatakot, kahit kay daddy ay hindi. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. At dumeretso sa garden. Nakita ko namang humiga siya sa damuhan tssskk kababaeng tao.
" Doon tayo sa gilid ng pool umupo Kaye." Malapit lang kasi ang garden sa pool. Pero umiling lang siya at pinagpag ang gilid niya.
" Paupuin mo ako diyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
" No, humiga ka," mahinang sabi niya.
Seriously? Ni ayaw kong umupo, humiga pa kaya...
" Ayoko... doon nalang tayo sa may pool." Nakangusong wika ko.
" Hihiga ka o tatadyakan kita?" Sabi niya habang ginawang unan ang kamay niya. Wala akong choice kundi ang sundin siya. Nagmukha tuloy siyang ate ko.
" Masarap tingnan ang buwan at mga bituin napakasarap sa pakiramdam," tumingala naman ako sa langit hmmm, " ang buwan at mga bituin lang ang nagpapawala ng stress at pagod ko. Pakiramdam ko kasi kapag tumitingin ako sa kanila...nakakaramdam ako ng kaginhawaan." Bigla naman siyang tumingin sa 'kin at ngumiti tapos ay tumingin ulit siya sa langit. Sa lahat ng tao ay siya lang ang hinangaan ko ng sobra. Simula nang nagka-isip siya pinaparamdam sa kanya kung ano talaga siya dito sa mundo.
Ayaw kong nakikita siyang umiiyak parang pinapatay ako ng paulit-ulit, kapag nakita ko ang mga luha niyang lumalandas sa pisngi niya.
Flashback
Maaga akong nagising at pumunta agad ako sa labas para maglaro.
" Baby drink your milk first." Sabi ni mommy habang bit-bit ang gatas ko. Ngumiti naman ako at kinuha ang gatas at ininom.
" Good boy." Tapos kong uminom ay naglaro na agad ako. Sa kalagitnaan ng paglalaro ko ay may narinig akong nag doorbell. Nakita ko si Zayleigh na kumakaway sa 'kin kaya pinagbuksan ko siya ng gate. Kasama niya si ate Khezhia.
" Good morning Zayleigh good morning ate!" Ngumiti ako at niyakap siya.
" Good morning din, where's your dad?" Nakangiting tanong niya habang pinisil ang aking pisngi.
" Nasa loob po,"
" Pwede mo ba kaming samahan sa kanya?"
" Opo ate." Hinawakan ko naman agad ang kamay ni Zayleigh at kinaladkad patakbo kung saan si daddy.
" Daddy, daddy, daddy nandito po si Zayleigh!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo kay daddy.
" Heyy mag-ingat kayo baka mapano kayo... ano ang ginawa niyo dito? Halika hija give me a hug." Lumapit naman agad ang kapatid ko kay daddy at yumakap.
" Hmm I miss you," at ngumiti lang si Zayleigh sakanya... hindi kasi ito pala salita, " umupo muna kayo... Yaya pakikuha po muna sila ng meryenda!" Sabay sigaw niya kay yaya Linda.
" Opo sir,"
" So ano ang maililingkod ko sa inyo?" Tanong ni daddy.
" Daddy pumayag na po si mama na dito lang po muna ako pansamantala," nakangiting wika ni Zayleigh.
" Really, good to hear that." Sabay hawak niya sa ulo ni Zayleigh at ginulo ang buhok nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/234988274-288-k52341.jpg)
BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Acción#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...