A/N konnichiwa advance Merry Christmas;-) stay safe and God bless^_^
Warning!
Read at your own risk!
********************************
Kaye's POV
Agad kong kinuha ang chain dagger at ang espada ko tapos inilagay sa likod ko.
" Ihanda niyo ang inyong mga sarili" mariin na wika ko tapos ay tiningnan si Grey.
" We need to kill them para makatakas tayo rito" tumingin pa siya sa mga kalaban bago tumango.
Hindi ako sigurado kung makakatakas nga ba kami pero sisikapin ko dahil ako lamang ang inaasahan ng Chairman at ayaw ko siyang biguin.
Hindi ito ang makakatalo sa akin. Masyadong mahirap ang pagsasanay na aking nadaraanan at hindi ako makakapayag na matatalo ako ng basta-basta.
" Jerson alam mo ang iyong gagawin, protektahan mo ang Chairman hanggang sa iyong makakaya"
" Yes, my lady"
Agad ko namang nilingon si Grey at tinaasan siya ng kilay.
Unti-unti ko namang binuksan ang pintuan at lumabas.
Nakita ko naman agad ang kanilang malademonyong ngisi.
" Matapang! Iyan ang gusto ko sa isang babae" at agad naman akong napangiwi.
" Ibaba niyo ang inyong mga bazooka upang masimulan na natin ang laban na gusto niyong mangyari" at agad namang ngumiti ang lalaki na parang asong nauulol kung tumingin sa akin.
Bigla naman siyang naglakad palapit sa akin kaya agad kong ipenuwestu ang aking mga kamao.
" Masyado ka namang nagmamadali binibini. Alam mo bang napakasarap tingnan ng iyong katawan? parang kumikinang ang aking mga mata dahil sa taglay mong anyo para akong nalululang"
Umatras naman ako at tiningnan siya ng nandidiring tingin.
Bigla namang nasagi ang paningin ko kay Grey na nandidiring nakatingin sa taong nasa harapan ko.
" Hayaan mong patikimin mo ako sa iyong katawan at sisiguraduhin kong kayo ay makakaalis rito na walang anomang galos" at agad naman akong ngumisi ng nakakaloko.
" Hayaan mo rin ako na ipatikim sa'yo kung ano ang impyerno"at agad namang nawala ang kaniyang ngisi.
Bigla naman siyang tumawa ng pagkalakas-lakas.
" Palaban!" Sigaw niya at umatras " kung gano'n ay simulan na ang laban"
BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Action#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...