Kabanata 36

152 9 0
                                    

Kaye's POV

Unti-unti naman akong dumilat ng marinig ko ang boses ng Chairman. Nandito na pala ako ngayon sa kwarto ko.

" I brought you some foods, I know how hungry you are." Napatingin naman ako sa mga pagkain na dala ng maid. Agad kong tinanguan ang maid at umalis naman siya ng mailagay niya nang maigi ang maliit na mesa sa aking kandungan.

" Where's kuya? I didn't see him lately. Nandoon ba siya sa condo niya?" Nagpandekwatro muna siya at pinagsiklop niya ang mga kamay sa may tuhod niya bago sumagot.

" Yeah... but don't worry, pinadalhan ko siya ng mga tauhan ko upang bantayan siya, so no worries." hinawakan ko naman ang sentido ko at minasahe ito.

" What about Grey?" I rolled my eyes ng makita ko na naman ang makahulugan niyang ngisi. This old man is really sucks...

" Kakauwi niya lang, do you really miss him that much hah." Napangiwi naman ako at umiling-iling.

Hindi ko na siya sinagot pa at nagsimulang kumain. Kahit medyo masakit dahil sa sugat ng aking braso ay pinilit ko paring lumamon dahil gutom na gutom ako.

Habang kumakain ako ay hindi ako mapakali, hindi ko maiwasan na hindi isipin si kuya. Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama. Damn it!

" Chairman pahiram ng cellphone mo," agad naman siyang tumango at naglakad patungo sa akin tapos ay ibinigay niya ang kaniyang cellphone
" pakikuha din itong mesa." nangunot naman bigla ang kaniyang noo.

" But you're not done yet." inirapan ko lang siya at nagsimulang i-dial ang numero ni kuya. Mga ilang segundo rin bago niya ito sagutin.

" Uhm w-what?" Mukhang naabala ko siya sa kaniyang pagtulog.

" Talasan mo ang iyong pandinig, huwag kang matulog na para bang ilang taon kang hindi nakatulog. Umayos ka diyan kung ayaw mong mamatay ng maaga." tapos ay ibinaba ko ang linya.

Nakita ko namang umiling-iling si Chairman.

" Si Grey ba ay nakauwi ng maayos sa kanila?" Seryosong tanong ko.

" Masyado kang halata aking apo." At tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

" I'm serious." ng marinig niya ang seryoso kong tinig ay agad naman siyang tumahimik.

" Yeah yeah." tumango naman ako at nagbuntong hininga.

" Anyways, what are you doing here?" Kinuha ko ang unan sa gilid ko at niyakap ito habang nakatingin kay Chairman.

" Well, gusto ko lang tingnan ang maaamo mong mukha habang natutulog. Kahit minsan ay gusto kong tingnan ang mukha mo na hindi salubong ang kilay." Agad namang tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon