Kabanata 27

184 19 0
                                    

Kaye's POV

Ilang araw nalang at dadating na si Mr. Tasakashi. Sigurado namang maging successful ang misyon namin ni Grey dahil matagal na akong nagmamasid sa kanya, hanggang sa nakabisado ko lahat ang paraan ng pakikipaglaban niya. Kung paano siya gumalaw ay nasusunod ko, lahat ng mga techniques niya ay kabisado ko.

Kahit magpractice at magpractice kapa para masunod mo ang mga techniques ko ay hindi mo talaga masusunod dahil walang makakasunod no'n dahil ako lang, ako ang gumawa kaya ako lang din ang makakagawa.

There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've never known
I'm dealing with it on my own
Phone is quiet, walls are bare
I drink myself to sleep, who cares?
No one even has to know
I'm dealing with it on my own

Hindi ko alam kung bakit ito ang napindot ko tssss... In fairness maganda at napakalamig ng boses ni Lany.

I got way too much time to be this hurt
Somebody help, it's getting worse
What do you do with a broken heart?

Pano nga ba?
Alam kong sa huli talo ako pero bakit pinapaasa ko parin ang puso ko na mahalin niya?

Once the light fades, everything is dark
Way too much whiskey in my blood
I feel my body giving up
Can I hold on for another night?
What do I do with all this time?

Mahahantong rin ba ako nito?
Masasaktan rin ba ako tulad nito?
Handa ba akong dumating ito sa'kin?
Kakayanin ko ba kung mangyari ito sa'kin?

Hanggang saan ang sakit na ito?
Makakayanan ko ba?

Every thought's when it gets late
Put me in a fragile state
I wish I wasn't going home
Dealing with it on my own
I'm praying but it's not enough
I'm done, I don't believe in love
Learning how to let it go
Dealing with it on my own

Kakayanin kaya ng puso kong e let go siya?
Kahit naman siguro malakas ako, nakakaramdam din ako ng sakit. Iyong sakit na kailanman ay hindi ko hiningi, na kailanman ay ayaw kong dumating.

Agad akong dumilat ng maramdaman kong malapit ng tutulo ang luha ko, agad akong tumayo at pinagpagan ang palda ko. Nandito kasi ako ngayon sa garden ng LIS at vacant namin ngayon habang ang mga kaibigan ko ay nasa cafeteria.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng palda ko at nagsimulang naglakad. May mga estudyanteng tumingin sa'kin pero wala namang sinasabi wow himala!

Napahinto ako ng may tumawag sa 'kin.

" Heyy little sis!" Kunot-noo naman akong hinanap kung saan ko narinig ang boses ni kuya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumiko pero bago pa ako makaliko ay...

BLAGGGG~

Bigla akong nadulas.

Napapikit ako ng mariin at naghanda na maramdaman ang semento, ilang segundo na ang lumipas pero wala akong maramdaman na masakit.

Unti-unti naman akong dumilat, nakita ko naman ang mukha ni Grey at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kaya pala... dahil sinalo niya ako.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon