Kaye's POVAgad akong nagpaalam kay Clarisse na umuwi.
Paglabas ko ng gate ay may naramdaman akong kakaiba.
Para bang may nakatingin sa 'kin.
Ngumisi ako ng bahagya at nagsimulang naglakad. Agad akong lumiko sa may kanto at nagtago.
Biglang may isang nakahood na sumulpot na para bang may hinahanap.
Ng tumalikod siya ay agad kong hinawakan ang balikat niya at pilit na isinandal sa pader.
"Ano ang kailangan mo sa akin?" Mariin na tanong ko.
"W-wala a-no ba b-bitawan mo nga a-ako!" Sabay kabig niya sa dalawang kamay ko at napaatras naman ako ng kaunti.
" Sino kaba ha?!" Biglang sigaw niya sa akin.
" A-ano akala ko sinusundan mo ako."
Sinamaan niya naman ako ng tingin at nagmura pa bago umalis.
Weeeewwww...
Agad naman akong nagpara ng taxi.
***
"Oh Kaye, ang aga mo naman ngayon?" Tanong ng mama ni ate Khezhia at nag-mano agad ako sa kanya.
"Oo tita kasi ho may meeting ang mga senior teacher's kaya pina-uwi kami ng maaga." Sabay lagay ng bag ko sa couch.
"Gano'n ba, nagluto ako ng emapanada at waffle kumain ka muna doon."
" Sige po salamat." Tumango lang ito at ipinagpatuloy niya ang pagplantsa ng mga damit. Dumeretso agad ako sa kusina at kumain.
Ayaw ni tita na may maid pero may taga laba lang, ayaw kasi ni ate Khezhia na maglalaba si tita dahil medyo may katandaan na ito. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ito at kinuha ang bag at pumasok sa kwarto para magbihis.
Beeeepppppp si ate na'yon...
"Tita ako na po ang magbubukas!" Tumango lang ito at tumakbo agad ako para buksan ang gate. Pagpasok niya ay pinarada niya na ito agad.
"Oh Kaye ang aga mo naman ngayon?" Tanong niya habang nilalagay ang susi sa bag niya.
"May meeting po ang teacher namin." Parati kasi siya ang nauunang umuwi, 5pm ang uwian pero malapit 6 na akong umuuwi dahil sa mga research, reports etc.
"Ganoon ba, asan si mama?"
"Nagpla-plantsa." Tumango siya at dumeretso kung saan si tita, agad naman siyang nagmano.
"May niluto ako anak kumain ka muna doon."
"Sige ma magbibihis muna ako."
Dumeretso agad si ate sa kwarto niya habang ako ay nanood ng tv. Sa kalagitnaan ng panonood ko ay umupo si ate sa tabi ko.
"Ano pong niluto mong ulam ate?" Tanong ko habang tutok parin sa pinanood.
"Chopsuey and relyenong talong."
"Hmm mukhang masarap ahh..."
"Haha syempre ako pa, ano pala 'yang pinapanood mo?"
"Spy next door po."
"Hmm pagkatapos niyan kumain na tayo." Tumango lang ako. Mayamaya ay natapos na ang pinanood namin ay dumeretso na kami sa kusina para kumain.

BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Aksiyon#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...