Kabanta 42

128 6 1
                                    

Grey's POV

I'm kinda nervous if Zayleigh found out what had happened to her brother.

“Cordon, kagigising niya lang...bakit naman agad siyang lalabas? Pwede naman bukas or next day?Tamad naman niya akong nilingon. “She's not yet okay, tapos ay ma-iistress na naman siya?”

Pagkatapos niyang bayaran ang bill ay tiningnan niya ako sabay buntong-hininga. Naglakad naman kami patungo sa kwarto ni Leigh.

Kapag malaman niya ang nangyari sa Kuya niya ay tiyak na world war 3 ang magaganap. Siguradong magagalit siya sa atin kung bakit ngayon lang natin ipinaalam sa kanya at hindi kahapon. Tapos gusto mo pang bukas o sa ibang araw!? Gusto mo bang ilibing ng buhay at mamatay ng maaga?” Sabay irap niya, may punto rin naman siya.

P-Pero kasi hindi pa si---”

“Just shut the fuck up Grey, kilala ko ang pinsan ko kaya alam ko ang ginagawa ko.”

Hindi na ako sumagot at nanatiling nakasimangot. Pagdating namin sa kwarto ni Leigh ay agad namang binuksan ni Cordon ang pintuan.

Ano ba talagang nangyari? Iyan ang palaging tanong ng isip ko sa tuwing dumadalaw ako rito sa'yo?”

Nadatnan naman namin sila Cyrus na nag-uusap ni Leigh. Nang makita kami ni Cyrus ay agad siyang tumayo.

“Okay na ba Kuya?” Tumango ako at binuhat namin ni Cordon ang ibang gamit ni Leigh. Habang inaalayan naman ni Cyrus si Leigh na maglakad palabas.

Pagdating namin sa kotse ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Mas lumala pa sa tuwing mapapatingin ako sa gawi ni Leigh. Walang humpay ang pagkabog ng dibdib ko.

“Hey please calm, masyado kang halata.” Naiinis na sabi sa akin ni Cordon.

Napatingin nalang ako sa kalsada at nilanghap ang sariwang hangin. Sa pamamagitan nito at nagagawa kong maging kalmado.

Sumandal ako at pumikit ng mariin. Masyado ng magulo ang mundo, hindi natin alam kung saan tayo tutungo o lulugar. Gusto natin ng kapayapaan pero parang ang hirap abutin. Gulo dito, gulo doon. Para tayong nababaliw sa kaka-isip kung hanggang kailan mawawala ang mga problema ng mundo. Kung kailan ba natin makukuha ang kapayapaan na matagal na nating hinihingi. Bakit ibinibigay ang hindi naman natin hinihingi? Pero ang hiningi naman natin ay hindi binibigay? Masyado talagang mapaglaro ang mundo.

“We're here! ” Anunsyo ni Cordon.

Bumaba naman agad ako at kinuha ang ibang gamit na nandoon sa likod ng kotse.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon