Kaye's POV
“Narito na po ang iyong mga kaibigan milady.” Tumango naman ako. Tiningnan ko pa ang kabuuan ko sa salamin. Nagbuntong-hininga ako at nagpasyang lumabas na sa aking kwarto.
Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang boses ni Clarisse. Nang makita nila ako na pababa ng hagdanan ay ningitian nila ako. Tiningnan ko naman si Star, nakangiti ang kanyang bibig subalit ang kanyang mga mata ay ay parang patagong umiiyak. Alam kong lubos siyang nasaktan sa pagkawala ni Kuya kaya naiintindihan ko siya.
“Ilang araw palang na hindi kita nakikita pero parang miss na miss na kita.” At sinalubong naman ako ni Clarisse ng pinakamainit na yakap. Damn! I'll gonna miss this.
Ngumiti naman ako, “Umupo kayo.” Agad naman kaming umupo sa sofa habang nakapulupot ang kamay ni Clarisse sa aking braso.
“What happened to you beshie?” Nakangusong tanong ni Clarisse. Sininyasan ko muna ang maid na magdala na nang pagkain.
“Gusto kong sabihin sa inyo kung ano talaga ako, kaya makinig kayo ng mabuti dahil hindi ko na uulitin pa ang lahat ng sasabihin ko.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay sakto namang pumasok sila Grey kasama ang mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ko ng biglang umupo si Grey sa tabi ko. Tumingin naman ang mga kaibigan ko kay Grey.
“What are you looking at?” Agad namang nag-iwas ng tingin ang mga kaibigan ko. “So yeah, you can start now.” Sabay tingin niya sa akin. Kaya agad kong iniwas ang paningin ko dahil sobrang nakakahiya ang kinikilos ngayon ni Grey.
“Sa totoo ay hindi ako mahilig mag-kwento kaya kapag hindi niyo maintindihan ang sasabihin ko ay pwede niyong tanongin si Grey. Dahil alam niya kung ano ang kwento ko dito sa mundo.” Mas lalo namang kumunot ang noo nila. Ang mga kaibigan ni Grey ay kalma lang nakatingin at nakikinig sa akin.
“Sisimulan ko na, huwag kayong magsalita at walang magtatanong. Doon na kayo magtanong kapag tapos na ako, handang sagotin ni Grey ang lahat na katanongan niyo.” Agad namang nag-thumbs up si Grey.
“ Na-kidnap kami ni Kuya noong mga bata pa kami. At doon nagsimula kong ano ang kakayahan ko. Nakatakas kami ni Kuya at nakita naman kami nila daddy sa kalsada. Doon na nagpasiya si Chairman na isabak ako sa isang proseso at hindi naman ako umangal. Ang proseso ay doon magaganap ang isang nakakabaliw na pagsasanay. Ang pagsasanay na ginagawa namin ay lumangoy sa ilalalim ng dagat, pa'no saluhin at iwasan ang bala ng baril, pa'no ihinto ang oras ng bomba, pa'no kalasin ang nakataling paa at kamay, pa'no makaligtas sa apoy at ibat-ibang uri ng pakikipaglaban. Pa'no bumaril at saang parte ng katawan ang dapat tamaan ng kamao upang deretso tulog ito. At pa'no gamitin ang palaso at pana ng tama. Mga tama ng baril, malalaking sugat, mga pasa sa mukha, hiwa ng espada, at tama ng pana sa braso at binti ang natamo ko sa pag-eensayo. Kahit sino sa inyo ay walang makakagawa sa mga ginawa ko.” Nagbuntong-hininga ako at uminom ng tubig. Mabuti at nakinig sila ng mabuti sa akin.

BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Aksi#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...