Kabanata 17

245 40 1
                                    

Clarisse's POV

Sinukat ko ang two piece na binigay sa 'kin ni Cyrus. Stripe na Black and White bumagay sa 'king mapuputing balat. Paglabas ko ay nakita kong naka one piece si Star mas lalong bumagay dahil sa bilog na bilog nitong pwet. Kahanga hanga ang ganda ng pangangatawan ni Cyrus dahil sa suot niyang Jennifer Lopez black swimsuit. Si Kaye naman ay hindi parin lumalabas.

" Ang tagal naman ni Kaye?" Tanong ko, " Kaye hindi ka paba tapos diyan?" Sigaw ko.

" Ito na!”

Unti-unti niyang binuksan ang pinto at unti-unti naming nakita ang suot niya. Nanlaki naman ang mata ko sa suot niya. Naka cycling at sleeve less ito wtf...

" Akala ko ba swimsuit?" Takang tanong ko.

" Swimsuit naman 'to ah!" Sabay tingin sa kabuuan niya.

" Oo nga pero hindi ganyan..."

Turo ko sa suot niya. Hindi naman pangit, bagay sa kanya. Kahit ganoon lang ang suot niya ay lumalabas ang kurba niya subalit kung mag one piece or two piece siya siguradong tutulo ang laway ng mga boys mamaya.

" Eh ano 'Yan?" Turo sa mga suot namin, " eh hindi ako komportable sa ganyan eh..."

" Pero gurl dapat ay masanay kana,"

" Hayaan muna siya Clarisse at saka baka hindi siya mag enjoy kapag ganyan ang suot niya dahil hindi siya komportable." Sabi ni Star, hinawakan niya naman si Kaye sa braso at kinaladkad. Nakanguso naman akong sumunod sa kanila.

" Ano kaba beshieee you know naman na para ito sa kanya kaya kung ano ang gusto niya ay ibibigay natin dahil 'yun ang ikakasaya niya get it?"

" Yeah of course." Nginitian ko siya ng malaki at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa pool ay agad na naglabas ng lotion si Cyrus tapos ay naglagay kami.

" Diyan muna kayo ha may kukunin lang ako." Sabi ni Cyrus at tumango lang kami.

Sa kalagitnaan ng paglolotion ko. Nakita ko si Kaye na nakatingin sa pool at mukhang malalim ang iniisip. Kaya nilapitan ko siya.

" Hey!" Sabay kalabit ko sakanya,
" what's the matter? Are you alright?" Pag-alalang tanong ko pero nasa pool parin ang paningin niya, mayamaya ay humugot siya ng hangin at nagbuntong hininga tapos tiningnan niya ako.

" May iniisip lang,"

Ayon naman ang pagtitig niya sa 'kin na hindi mo mawari kung ano ang expression ng mga mata niya. Hindi mo malalaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi at nag-iwas naman siya ng tingin. Matagal bago ako nakatugon.

" Ahh ganoon ba," bigla naman siyang natawa sa sagot ko.

" Seriously.. I'm alright Clarisse may iniisip lang ako, there's nothing to worry.” Nginitian niya ako tapos ay tinapik niya ang balikat ko at umalis. Nakita ko naman siyang papunta sa gawi ni Cyrus para tulungan sa mga bitbit nito. Lumapit naman ako sakanila para tingnan ang mga dinala ni Cyrus.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon