Kaye's POV
Damn it! Damn it! Damn it!
Sigaw ko sa isip ko.
" Zayleigh" habol na tawag sa 'kin ni kuya. Pumikit ako ng mariin bago humarap sakanya.
" Hindi niya pwedeng malaman kuya, hindi pwede" Sabi ko habang palakad-lakad sa harapan niya.
" I know, I know"
" Do something" inis na sabi ko.
" Of course, magpahinga kana muna"
Hinilot ko naman ang sentido ko at hinawakan ang batok ko. Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit ng mariin. Pagmulat ng aking mga mata ay bumalik ako sa pool.
" Ohh nandito na pala kayo" nakangiting ani ni Clarisse. Tumango lamang ako sakanya at kumuha ng pagkain. Binigyan ko naman si kuya na umupo sa tabi ko.
" Mukhang pinaghandaan ito ng kaibigan mo Zayleigh"
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Gusto kung mag-isip subalit hindi ako makapag-isip ng tama masyadong maingay dito.
Kapag uuwi ako ng maaga paniguradong magagalit sila. Tiningnan ko naman sila, naglalaro sila ng bola sa pool at naguunahang lumangoy. Masaya sila at ayaw ko namang sirain ang araw nila. Kaya napagdesisyonan kong manatili muna.
" Join them Leigh 'wag mo munang isipin ang nangyari kanina"
Liningon ko naman si kuya. Nakangiti ito habang taas baba ang kanyang mga kilay. Inirapan ko lang siya at ibinalik ang paningin sa mga kaibigan na masayang naglalaro.
" Mamaya na... papalamigin ko muna ang aking ulo" mahinang sabi ko.
" May itatanong pala ako saiyo kuya"" What is it?" Kumuha muna ako ng pizza at nilamon ito.
" May namamagitan ba sa inyo ni Star?" Bigla naman siyang nasamid kaya kinunotan ko siya ng noo at salubong ang kilay ko siyang tiningnan.
" A-anong klaseng t-tanong iyan" utal na wika niya. Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
" Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong may itinatago sa'kin" matigas na sabi ko. Iniwas niya naman ang paningin sa 'kin.
" We're just friends" Sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
" Kung ganoon sabihin mo iyan habang nakatingin sa mga mata ko" matigas ko paring sabi.
" Fine,fine,fine I'm courting her" namumulang aniya.
" You're inlove" tawang tawa na sabi ko, inilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.
" Alam mo ang batas natin kuya siguraduhin mong matatanggap niya kung anong meron tayo" bigla naman itong tumawa sa sinabe ko.
" Sinasabi mo bang pakakasalan ko siya" bigla ko naman siyang kwenilyohan.
" 'Wag ang kaibigan ko kuya dahil kapag may pumatak na luha sa mga mata niya ay doble ang dugo ang lalabas diyan sa mga balat mo" mariin at matigas na sabi ko.
" Easy easy I was just kidding okay" sabay kalas niya sa kamay kong nakahawak sa kwelyo niya.
" Wala sa tamang oras ang pagbibiro mo kung ganoon"
" Okay sorry... kapag mahal niya talaga ako ay matanggap niya kung ano ako" seryosong sabi niya.
"Hindi lahat ay naiintindihan ng pag-ibig kuya, kapag natatakpan ng galit o poot ang puso at pina-iiral ang galit ng ulo ay walang saysay ang pag-ibig na pinagsasabi mo"
BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Action#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...