Kabanat 45

122 5 0
                                    

Third Person's POV

Napuno nang halakhak ang buong opisina. Parang tunog ng kampana   dahil sa lakas nito at mahirap pigilan pa. Ang saya nila ay walang makakapantay na para bang sila na ang pinakamayaman sa buong mundo dahil sa labis na saya na nararamdaman.

Habang umiinom ng wine ay hindi mapigilan ni Tasakashi na hindi mapangiti. Sayang-saya siya sa kadahilanang nagtagumpay siya sa kanyang mga plano.

Habang pinapanood niyang nagluluksa ang pamilya ng kanyang kalaban ay parang mas kumulo pa ang kanyang dugo.

Kulang pa iyan sa mga ginawa niyo sa akin. Babawiin ko ang lahat at ipaparamdam ko sainyo ang hirap na pinagdaanan ko.”

Nang magsalita ang kanilang pinuno ay umugong ang katahimikan---ang kaninang tawa nila ay biglang naglaho.

Hindi alam ng pamilyang Bautista na nilagyan pala ng mga devices ang kanilang mansyon upang makita lahat ang kanilang mga ginagawa. Habang nag-uusap ang tauhan ni Tasakashi at apo ni Chairman Bautista na babae ay maingat na pumasok ang ibang mga tauhan ni Tasakashi upang ilagay ang mga devices na nakakarinig ng mga tunog. Sa ganitong paraan ay malalaman nila kung ano ang plano ng pamilyang Bautista lalong-lalo na ang babaeng tinatawag na Lady Z.

Nangangati ang mga kamay ni Tasakashi na patayin ang pinakamamahal na apo ni Chairman Bautista. Gusto niyang unting-unting patayin sa kalungkutan at galit si Chairman Bautista.

“So what's your next plan?” Agad na tanong ng kanang kamay niya.

Wait and see.” Sabay inom ng wine at napakamot naman sa ulo ang kanyang tauhan.

“I always remember what President, and Chairman Bautista did to me when I saw her granddaughter. Ang sakit na nararamdaman ko ay lalong lumalala. I wish ang babaeng iyon ang may sakit at ang namatay. Well, siya naman ang isusunod ko sa Kuya niya.” Mariin ang bawat salita ang binitawan ni Tasakashi. At tahimik lamang siyang pinanood ng mga tauhan niya.

Habang binibigkas ni Tasakashi ang katagang iyon ay may bigla siyang na-isip na bagong plano. Plano kung papaano mapabagsak ang pamilyang Bautista.

Grey's POV

Kakagising ko lang ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Uhm...w-wait!” Tamad naman akong bumangon at naglakad patungo sa pintuan tapos ay binuksan ito.

Agad akong napaatras at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakikita.

“You looked so shock? Aren't you happy to see me here? It's been a long time that I saw you. I miss you so much Grey. ” Parameters a4 akong napipi at binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi man lang ako makagalaw at makapagsalita.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon