Kabanata 13

253 47 11
                                        

Kaye's POV

Kanina pa ako tumitingin kay kuya. Tulala ito kaya winagayway ko naman ang kamay ko sa mukha niya. Pero hindi naman ito natinag kaya pinitik ko naman ang ilong niya.

" Ouch what was that for?" Sigaw niya at umupo habang hawak hawak niya ang ilong.

" Tulala ka diyan" at iniwas ko naman ang paningin ko sakanya narinig ko namang nagbuntong hininga siya at humiga ulit.

" May inisip lang ako" tss ano naman kaya ang iniisip ng lalaking ito.

" Inisip mo kung pa'no mo malulutusan ang mga kasalanan mo sa 'kin?"

Ayaw ko kasing nadadamay siya sa gulo. Hindi naman strict si daddy at si director, hindi nila ito masyadong pinapagalitan kaya naging spoiled. Mabuti at pumayag silang ako ang magde-desiplina kay kuya alam kasi nilang susundin niya ako.

" What? hindi ah"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng sarcastic" Talaga lang ahh, so anong nangyari at bakit may mga sugat ang bibig niyo ni Grey" kala niya hindi ko mapapansin ha.

" Told yeah napansin mo talaga, ano nakipagbakbakan kami" sabay kamot niya sa noo niya.

" Saan?" Kunot noo kong tanong.

" Sa Chamberzkie may inayos lang si Grey "

" Kapag naabutan ko kayo, hindi ako magdadalawang isip na idamay kayo, sinabihan na kita noon kuya " banta ko, masyado kasing takaw sa gulo itong kapatid ko pati mga kaibigan niya.

" Oo nga pero kasi... ayoko namang pabayaan si Grey"

" Tsss sabihin mo diyan sa kaibigan mong matigas ang ulo na ako ang papatay sa kanya kapag pina-iiral niya ang katigasan ng ulo niya" biro kong sabi.

" Sasabihin ko ang pangalan mo?" Sinamaan ko naman siya ng tingin

" Syempre ang code name ko"

" Oo nga ang code name mo" sabay peace sign niya.

" Uulitin ko kuya kapag may makita uli akong gasgas diyan sa mukha mo kalimutan mong kapatid mo ako" biro ko sabay ngiti sakanya ng peke tapos tumayo ako at pinagpag ang sarili.

" Tumayo kana diyan kumain na tayo"at mabilis akong naglakad pa papasok.

" Wait hintayin mo naman ako" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na naglakad hanggang sa makarating ako sa dining area.

" Sakto hija tapos na akong magluto kain na" tumango lang ako at umupo.

" Grabe ka, hindi mo talaga ako hinintay bad girl" nakangusong sabi niya.

" Manang kumain ho kayo ng kumain 'wag niyo na hong tirhan ang magaling kong kuya"

" Hoyyy ang harshh mo talaga sa'kin" inirapan ko lang siya at narinig ko namang tumawa sila manang.

" Eh ano tatayo ka nalang diyan?" Taas kilay kong tanong.

" Ito na nga uupo na" sumimangot lang siya at nagsimulang kumain.

" Sino naman ang girlfriend mo ngayon?" Bigla naman siyang nasamid, kaya uminom siya ng tubig.

" Huwag kangang mang-gugulat at saka wala akong girlfriend"

Maraming may gusto kay kuya at lahat ng serious relationship niya ay pinapakilala niya sa 'kin. Hindi niya ako tinuring na iba, hindi tinuring na half sister gano'n para bang full blood talaga kami walang half half.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon