Kabanata 35

158 6 0
                                    


Kaye's POV

Para akong nakalutang sa hangin.
Sa bawak saksak ko, ang nakikita ko lamang ang kadiliman at kung papaano tumalsik ang mga dugo na siyang  dahilan upang ako'y mas lalong maging agresibo. Hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa. Ni hindi ko alam kung ilan na nga ba ang aking napatay.

" Hey stop!" Agad na inagaw ni Grey ang espadang hawak ko. Tila nanginginig ang aking kalamnan, napalunok pa ako ng ilang beses. Agad ko namang ikinuyom ang aking kamay na nanginginig.

No it cannot be...

Gusto kong maluha dahil sa nakikita ko ngayon.

What did I do?

Maraming sugatan at marami ring patay. Bat, lamang ang gamit ni Grey samantalang ang ginamit ko naman ay ang espada. Ako ang nakapatay samantalang si Grey ay pulos bugbog at sugatan lamang ang inabot ng kaaway niya.

Ano bang nangyari sa 'kin at nagawa ko ito?

Agad pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

" I'm sorry...I'm so sorry" sabay hikbi ko.

" Shh it's alright" napapikit ako ng bigla akong niyakap ni Grey at humagulhol naman ako sa iyak sa kaniyang balikat " it's not your fault, ginawa mo lang kung ano ang tama at huwag mong sisihin ang iyong sarili" pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ko tapos ay pinunasan ang aking pisngi.

" Let's go, baka ay maabotan pa tayo ng mga kalaban rito" at unti-unti naman akong tumango. Inalalayan naman niya ako papunta sa kotse.

Nangilid naman ang luha ni Chairman ng makita ako at agad naman niya akong sinalubong ng yakap.

" C-chairman" para akong naging demonyo sa aking nagawa. Ni nandidiri ako sa aking sarili, paano ko nagawang kumitil ng buhay. Ni hindi ko inisip na ang mga taong pinatay ko ay may mga pamilya pa.

" Shh.. stop crying apo" tapos ay hinawakan niya ang aking pisngi
" I'm really proud of you" malaki ang kaniyang mga ngiti na para bang masayang-masaya siya dahil sa aking nagawa.

" Jerson umalis na tayo" agad na sabi niya sa driver. Binigyan niya naman ako ng tubig upang ako'y mahimasmasan.

" I killed them" tapos ay yumuko ako.

" That's good, upang mas matakot pa ang mga kalaban sa atin. Masyado silang agresibo tsk tsk tsk mga hangal!"

Agad kong naikuyom ang aking mga kamay ng mariin. Nangunot ang aking noo ng may maramdaman akong hapdi. Agad kong tiningnan ang aking braso. Nagbuntong hininga ako ng makita kong umaagos ang dugo sa sugat sa aking braso. Napasinghap naman ako ng hawakan ko ang aking tagiliran at naramdaman kong may sugat rin doon.

Bakit hindi ko ito naramdaman kanina?Talagang nawala ako sa aking sarili.

This is not good at all. Killing is a sin, but I can't even stop myself to hurt nor kill them. I didn't even think to kill someone. Hurt them, maybe.

I took a deep breath, and sigh. Maybe this is my fate and I need to accept it. It hurts, but I can do nothing about it.

Mayamaya ay nakarating na kami sa mansyon. Napa-ungol pa ako ng maramdaman kong may sugat ang aking hita. Agad naman akong inalalayan ni Grey.

" Hold on" agad naman akong tumango.

" Marami pala akong sugat, hindi ko iyon naramdaman kanina."

" Siguro ay wala ka sa iyong huwesyo kaya kahit sugat mo ay hindi mo naramdaman" at unti-unti naman niya akong pina-upo sa malaking couch.

" Don't worry, your personal doctor is here" sabi ni Chairman at agad namang lumapit sa akin si Doctor Garcia.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon