Kabanata 22: President Z

238 34 1
                                    

Dedicated to Eramber

Grey's POV

Nagdaan ang mga araw ng malaman ko kung sino siya. Hindi na ako masyadong nakikipag-usap kay Zary pero magkasama parin kaming kumain at tumambay.

Kami lamang tatlo ang nakakaalam sa nangyari. Sa totoo lang ay medyo nakonsensya ako sa ginawa ko sa germs na 'yun tch pasalamat siya at may konsensya ako kahit kaunti baka tinuluyan ko na ang babaeng 'yun.

" Good evening President Z" bati ko sa kabilang linya.

Nandito ako ngayon sa condo ko. Kailanman ay hindi ko pa nakikita si President Z ang alam ko lang ay siya ang nagpapatakbo sa organisasyong sinalihan ko. Hindi ka basta-bastang makapasok dahil may mga proseso pang magaganap, dito rin malalaman kung ano ang klaseng kakayahan mayroon ka at anong ranggo ka. May apat na klase ng ranggo ang pinakahuli ay ang Zaisu, Shigato ang ikatatlo, Masuri ang ikalawa, Kainasai ang pinakauna at ako ito pero tinatawag nila sa akin ay shadow at ang lahat ng ranggo ay may sariling mga henchman. Pero mayroon pang mas malakas saamin at 'yun ay tinatawag na Zwar. Ang organisasyong ito ay may sariling batas, pwede kang kumitil ng buhay pero piniling tao lamang ang gumagawa nito.

" Good evening, can we talk in private? I have something to tell you." Bigla naman akong kinabahan, kung ganoon ako pa ang unang makakita sa kanya, ano ang kailangan niya at makikipagkita siya sa sa'kin.

" Po? Bakit po?"utal kong tanong.

" I'll text you the address" bigla naman niyang ibinaba ang telepono. Napalunok ako ng ilang beses at pinagpawisan ng kaunti.

Nang natanggap ko ang text niya ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Tapos ay dali-dali akong bumaba at pinindot ang remote ng kotse. Mabilis ko din itong pinatakbo hanggang sa makarating ako sa isang restaurant.

Bigla namang nagring ang phone ko.

" Hello?"

" Is that you wearing black tuxedo?"

Inilibot ko naman agad ang paningin ko at may nakita naman akong itinaas ang kamay at may hawak na cellphone na nakalagay sa tenga.

Bigla namang nangunot ang noo ko, daddy to ni Zary. 'Wag mong sabihing... damn it!

" Good evening President Z" at yumuko ako.

" Take a sit, just call me tito " tumango naman ako at napalingon naman ako sa tinuro niya. Nangunot naman ang noo ko ng makita ko si Zayleigh 'wag mong sabihin ang pag-uusapan namin ay tungkol sa ginawa ko fucking shit kinabahan ako ng kaunti.

Ngayon ko lang siya napansin, nakadress ito... hindi ko man masyadong kita ang kabuuan niya sure akong bagay sakanya tssss...

Agad naman akong umupo sa gilid niya.

" Good evening" bati ko sakanya tsss pasalamat siya at ayokong mapahiya sa daddy niya tssss lulunokin ko na muna ang pride ko ngayon.

" Alam kong maganda ako kaya 'wag mo akong titigan ng ganyan" bigla ko namang iniwas ang paningin sa kanya napakahangin ng babaeng 'to bwesit! Nabaling naman ang paningin ko sa daddy niya, nakangiti ito. Bigla akong nahiya at nagbaba ng tingin.

" Let's order first" tumango naman agad ako at nag order pagkatapos naming mag order ay agad namang umalis ang waiter.

" So, how's life Grey?" Biglang tanong ni Tito.

" Doing great tito" maikling sagot ko medyo kinakabahan ako.

" You look nervous, easy hindi ka kakainin niyan" sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumisi lang siya.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon