Kabanata 21

238 36 3
                                        

FACT!!

Energy drinks do not boost your energy levels, they can only lend you some and can even lead to insomnia and weight gain.

Ahhh ngayon ko lang nalaman kaya pala wala masyadong epik hahaha. Pero bakit hanggang ngayon hindi ako masyadong makatulog hmm🤔

🌛🌜🌛🌜🌛🌜🌛🌜🌛🌜🌛🌜🌛

KAYE'S POV

One week akong absent sa klase pati na rin sa practice. Apat na araw akong na confine sa hospital tapos ay pahinga ko. Kingina talaga namang tinupad niya ang sinabe niya na hospital ang aabutin ko kingina hahahaha!

Akala ko naman aabot ako sa puso niya hahahaha charrooott!

" Say 1 2 3 4 5 LIS is gonna hynotize and 6 7 8 9 10 is round and up and do it again is round and up and do it again!!!" Sigaw ni Quincy.

Fuck! Bugbog sarado na ang katawan ko...mukhang kulang pa, sinong gusto diyan! sige na libre na ang bugbog ngayon kinginang buhay 'to!

" Let's go! let's go! let's really go!
Let's fight! let's fight! let's really fight!
Let's win! let's win! let's really win!
GO!

FIGHT!

WIN!

Hinayaan ko na sila ang sumigaw kingina! Habol hininga akong umupo sa gilid ng bench at kinuha ang tubig sa bag ko.


" Heyy what's wrong?" Biglang tanong ni Quincy. Uminom ako ng tubig bago sumagot.

" Kayo na muna ang magpractice, sa susunod na practice nalang ako" matamlay na sabi ko.

" Punta ka nalang kaya sa clinic" nag-alalang sabi niya, umiling naman ako.

" No need, kailangan ko lang nang kaunting pahinga"

" You sure?" Tumango naman ako. Hindi man siya kumbinsido pero nginitian niya ako at umalis.

" Okay guys from the top tayo!" Sigaw ni Quincy sa mga kasamahan namin.

Maraming nadagdag na steppings. Nong una ay nanood lang ako, nakukuha ko naman sa patingin tingin lang. Doon mo malalaman kung magaling ka talagang sumayaw kahit tingnan mo lang ito ng dalawa o tatlong beses ay mukukuha mo.

Ang mga baguhan ay mas lalong gumagaling, masyado yatang ginalingan ni coach dahil siguro Grandslam kaya ganon na lang. Mas naging mahigpit rin siya ngayon, one minute late ay 20 squatrass, 'yung taas kamay kang tatalon tapos deretso push up.

Pagkatapos nilang sumayaw ay nagpahinga sila ng five minutes. Tapos ay sumali na ako, mabuti at nakasabay na ako ng mabuti kailangan ko talaga ng pahinga kahit kaunti lang.

" Maaga kayo bukas dahil dadating ang magsusukat sa mga costumes niyo pero bago 'yan lilibot muna kayo sa ground ng 50 ka beses, hanggang hindi ka matapos ay walang sukat kaya agahan niyo bukas maliwanag!" Sigaw ni coach.

" YES COACH!" sigaw namin.

" Wala na kayong pro-problemahin dahil lahat ay ang school ang magbabayad sa costumes niyo, pagkain, tubig at energy drink"

Marami pa siyang sinabe hanggang sa pinauwi niya na kami. Hinintay naman ako ni kuya kaya hindi na ako mag-aabang ng taxi.

" Do you want to eat muna? Or deretso na tayong umuwi?" Tanong niya.

" I want to rest maaga pa kami bukas" matamlay na sabi ko, hindi na siya nagsalita at nagfocus sa pagdrive.

Hindi ko alam kung okay ba sila ni Grey simula ng malaman niya ang kung sino ako. Alam kong galit na galit siya kaya malabong maging okay sila ni kuya. Hindi ko siya masisi kung pati kay kuya ay galit siya, matalik niyang kaibigan ay niloko siya at hindi niya din alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit ko iyon ginawa kaya hinayaan nalang namin. May karapatan naman siyang magalit.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon