Kabanata 1

939 91 26
                                    

Kabanata 1

While Clarisse and I walked down the hallway, we suddenly heard someone shouting. I furrowed when I saw who shouted.

“Are you nuts? You're so reckless! stupid bitch!” sigaw ni Grey sa isang babaeng nakasalamin. Nakaupo ito sa hallway, mukhang nabunggo niya si Grey at natapon ang mga papel na dala nito.

Kitang kita na mukhang naapakan at nauupuan ng babae ang mga papel ni Grey.

“Grabe naman 'tong si Grey, hindi naman siguro sinasadya. ‘Di ba gurl?” tanong ng kaibigan kong si Clarisse na nasa tabi ko.

Tinignan ko ng maigi ang nerd. Nanginginig ito sa takot, maganda ito pero natakpan ng malaking salamin. Sakto lang ang height niya may curba din, maputi at makinis ang balat.

“Baka malaki ang kasalanan talaga kaya gano'n nalang kung magalit,"  sambit  ko habang tumitingin pa rin sa kanila.

“Sorry Grey, hindi ko sinasadya.”

At isa-isa na niyang pinulot ang mga nagkalat na papel.

“Anong hindi sinasadya?! alam mo ba kung ano 'yan ha! Mga documents lang naman 'yan ng daddy ko na pinapadala niya sa akin at ihatid doon sa office niya!” patuloy pa niyang pagsisisigaw doon sa babae.  Pulang-pula ang mukha ni Grey dahil sa matinding galit. Tss, parang ikakamatay niya ang ginawa ng nerd sa kaniya ah. Umiling iling ako.

“Sorry h-hindi ko t-talaga s-sinasadya...” Kulang nalang ay iiyak na ito. I want to help her—sa totoo lang, but baka madamay ako kaya huwag na muna. All I can do for now is to watch.

“Sorry? anong magagawa ng sorry mo? Gusot-gusot at ang dumi na niyan—alangan naman dalhin ko 'yan kay daddy na ganyan ha?! bobo talaga!” Nanggigil, mapapait, at madidiin nitong paninigaw. Halos ‘di na mapigilan ni Grey ang mga lumalabas sa bibig niya.

“Sorry ee-print ko nalang uli,”

“I'll give you 30 minutes to finish that. Dapat malinis na iyan, nagkakaintindihan ba tayo?!”

“Oo Grey s-sorry t-talaga.” Utal nitong sabi at dali-dali niyang kinuha ang mga papel at tumakbo. Kinuha naman ni Grey ang phone niya. Mukhang may tatawagan, hindi ko narinig ang pag-uusapan nila dahil umalis na ito.

“Grabe ka gurl. Hindi porket crush mo 'yan ay kakampihan mo. Hindi lang naman ang nerd ang may kasalanan—siya rin, kung tumingin siya sa dinadaanan niya ay maiiwasan niya ang nerd at hindi sila magkakabanggaan.” Inirapan ko nalang siya bago lumisan. Yeah, she’s kinda right.

“Oh tahimik ka? dahil tama ako? hindi ko alam kung bakit nagustuhan mo 'yun eh ang sama-sama ng ugali, jusko!” at agad nanaman akong napa-irap.

“Shut up. Bilisan mo nalang diyan at malalate na tayo,” mataray na saad ko.

“Ito na madame high blood agad eh...”

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa 'kin, unang kita ko sa kanya ay humanga talaga ako sa taglay niyang anyo. Siguro ay ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng mukha kaya lubos ang aking paghanga.

Good morning class, as I have said yesterday: we have a recitation today. So, I expect that all of you can pass this recitation?” pagbati ng teacher namin.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon