Kabanata 10

284 62 13
                                    

Clarisse's POV

Kanina ko pa napapansin si Kaye na ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko na napigilan kaya kinalabit ko siya.

" Hey are you alright? Napapansin ko kasi na mukhang ang lalim ng iniisip mo may problema ba? You can talk to me I'm willing to listen," Lumingon siya sa 'kin at nagbuntong hininga.

" Si kuya kasi," Sabay kamot sa noo niya.

" What about your kuya?"

" Kanina kasi pumunta ako sa tambayan nil-"

" What! anong ginagawa mo do'n?"

" May sasabihin kasi ako sakan-"

" Ano ang sasabihin mo?"

" Kingina patapusin mo nga muna ako"tila nawawalan ng pasensya na sabi niya.

" Hehehe sige gooo"

" Kanina kasi pumunta ako kay kuya sa tambayan nila kasi sasabihin ko sana na do'n muna siya sa bahay kasi wala akong kasama, habang kausap ko siya may napansin ako eh"

" Ano ang napansin mo? Na may gusto si Grey sayo?"

" Kingina tumahimik ka nga kundi papasabongin ko 'yang bunganga mo" ay ang harsh ng kuya niyo este ate pala hehehe
" Kanina habang kausap ko siya, napansin kong may sugat ang bibig niya pati si Grey meron rin. Pero hindi ako nagpahalata na napansin ko 'yun"

" So anong plano mo?"

" I don't know yet"

" Sa tingin mo nakipag-away sila ka gabi?"

" Maybe, pero kasi sila lang dalawa"

" Anong sila lang dalawa?"

" Diba kapag nakipag-away sila ay silang lahat? kanina kasi nakasalubong ko ang tatlo pero wala silang mga pasa, kaya naguguluhan ako kung ano na naman ang kalokohang ginawa nila"

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon