Kabanata 9

272 63 12
                                    

Kaye's POV

" Kaye sabihin mo sa kuya mo na rito muna siya pansamantala, para may lalaki kayong kasama rito," sabi ni ate habang kumakain kami.

" What about his condo?"

" Ako na ang bahala do'n," Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

" What if hindi po siya papayag?"
Nag-angat naman ng tingin si ate.

" Sabihin mo kukunin ko ang condo niya," ibinigay kasi ni ate ang condo niya kay kuya hindi niya na kasi ito magagamit, sayang naman kaya binigay niya na lang kay kuya.

" Hija sabihin muna 'wag siyang magdala rito ng babae? "

" Opo tita,"

" Mayroon ba siyang girlfriend Kaye?"

" I don't know ate hindi naman kami masyadong nag-uusap."

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na agad ako para pumasok. Magtataxi ako ngayon, hindi ako maihahatid ni ate dahil mayamaya ay aalis na sila 'tsaka baka malate sila sa flight nila kung ihahatid pa ako ni ate. Habang nasa byahe ay tinext ko si kuya na pupuntahan ko siya sa tambayan nila tsskk baka makita ko na naman 'yung maarteng lalaki 'yun... grabe kung maka alcohol wagas.

" Manong ito po ang bayad,”

" Salamat," pagkatanggap niya sa bayad ko ay lumabas na agad ako at pumasok. Dumeretso agad ako kay kuya, hindi ko alam kung nandito na siya... maaga pa kasi at hindi rin siya nagre-reply.

" What brings you here germs?" kinabahan ako ng biglang bumungad ang mukha ni Grey sa may pinto.

" Where's kuya?" tanong ko habang iniwas ang paningin ko sakanya.

"Come in?" Binuksan niya ang pinto para makapasok ako, pero bago pa ako makapasok ay binigyan niya ako ng alcohol,
" ayokong may germs na papasok sa teretoryo ko kaya gamitin mo 'yan ohhh mas maganda siguro kung inumin mo!" inirapan ko lang siya habang siya ay tawang-tawa hahaha so funny...

" What are you doing here?" tanong ni kuya habang nakahiga sa mahabang couch.

" Pwedeng maki-upo?"

" Lagyan mo muna ng alcohol," sinamaan ko si Grey ng tingin at nag-spray. Inikot ko naman ang paningin ko, malaki ito black and white kompleto ang gamit may kusina at CR. Iba talaga kapag mayaman tsk tsk tsk...

" Do'n ka muna uuwi sa bahay simula ngayon," Bigla naman itong bumangon.

" What?"

" Do'n ka muna uuwi sa baha-"

" What?" esshhh...

" Do'n ka muna uuwi sa ba-"

" Why?"

" Sabi ni ate do'n ka muna dahil magbabakasyon sila gusto niyang do'n ka muna para may kasama ako," nagbuntong hininga muna siya bago sumagot.

" Kailan sila aalis?"

" Ngayon," nagsalubong naman ang dalawang kilay niya.

" Ano? Bakit ngayon mo lang sinabe?"

" Kanina lang niya sinabe na doon ka eh kaya 'yun?”

" Esshhh fine pero bukas nalang... mag-iimpake pa ako,"

" No, ngayon na,"

" What! hindi nga dahil mag-iimpake pa ako!"

" Sasamahan kita mag-impake para madali,"

" Ba't ba ang kulit mo?" inirapan ko lang siya at iniwas ang paningin ko pero sa kasamaang palad kay Grey naman tumama ang paningin ko, inirapan niya ako kaya inirapan ko rin siya at iniwas ang paningin ko sa kanya. Bago pa dumapo ang maliit na bola sa mukha ko na binato ni Grey ay sinalo ko na agad ito,nnakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat niya. Ngumisi naman ako ng nakakaloka upang mas mainis siya.

" Tsskk fine!"

" Okay hintayin mo ako, may practice pa ako ng cheerdance,"

" Sige na, umalis kana nga!" inis na sabi niya at humiga uli. Ang sweet ng kuya ko 'no? Si Grey naman ay nanlilisik ang mata na tumingin sa'kin. Tumakbo ako at sinirado ng malakas ang pinto tawang-tawa naman ako.

" Ehheemm!" si client kaibigan ni kuya.

" What are you doing here?" tanong ni Aston habang salubong ang kilay niya.

" Kinausap ko lang si kuya,”

" Paniguradong nagkita kayo ni Grey 'no?" nakangiting tanong ni Blight . Si Blight ang medyo mabait sa kanila si Aston naman ay parating nakasimangot at si Client medyo mabait at minsan ay parang bata kung kumilos.

" Ahh oo," Tumango lang sila at nagpaalam naman akong aalis na.

" Bye Zayleigh!" paalam ni Client. Mabilis naman akong naglakad patungo sa elevator. Paglabas ko sa elevator ay dumeretso agad ako sa room na nakayuko para hindi makita ang mukha ko, meron din akong cap mahirap na baka ano ang gagawin ng mga studyante dito tsskk .

Pagdating ko ng room ay medyo marami na sila kaya dumeretso agad ako sa upuan ko at pinagsiklop ko ang aking mga kamay at sabay na itinukod
ang parehong siko sa mesa upang mag-isip ng bongga. Moments later...

" Good morning everyone!” bating sigaw ni Clarisse meron ring bumati sa kanya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-iisip.

" Ohh anong trip 'yan? kay aga-aga nakabusangot 'yang mukha mo?" nakapamewang na tanong ni Clarisse. Hindi ko siya pinansin at inihiga ko ang ulo ko sa mesa. Hindi ko siya nakikita pero alam kong inirapan niya ako. Naramdaman ko namang umupo siya. Mayamaya ay magkasunod na dumating si Star at Cyrus.

" Are you alright?" tanong ni Star habang nakahawak sa braso ko. Umayos ako ng upo at tinanguan siya.

" I have Chia Fudgy Brownies here," Sabi ni Star habang inilabas sa isang bag ang dala niya.

" Omg ginawa 'to ng mommy mo?" tanong ni Clarisse.

" Yes," Tapos ay binigyan niya kami.

" It's so damn delicious Star!" sabi ni Cyrus habang ngumunguya-nguya.

" Ang sharraapp dala ka rin bukas ha hehehe..."

" Umayos ka nga Clarisse taposin mo muna 'yang kinain mo baka mabilaokan ka,” saway ko.

" Hehehe chorry pooo?" sabay peace sign niya tsk...

" Salamat pala rito Star?"

" You're welcome Kaye," ngumiti lang ako at nagsimulang kumain. Masarap nga, mahilig kasi ang mommy niyang magbake kapag magba-bake siya ay pinapadalhan niya kami dito, gano'n ka sweet ang mommy niya.

" Excited nako bukas!" sabay wiggle ni Clarisse.

" Syempre tulad mong kuripot excited talaga basta libre,"

" Hehehe Cyrus gano'n talaga kapag nabubuhay sa libre," Binatokan naman siya nila Star at Cyrus.

" Grabe kayo ang shaket kaya 'di kayo invite sa birthday ko," nakangusong sabi niya.

" birthday mo pala 'no nakalimutan ko,"

" Ayy bad ka gurl bad!" nagtawanan naman kami.

" Anong gusto mong regalo?" tanong ni Cyrus.

" Dependi sa inyo alam niyo naman kahit ano tinatanggap ko hehehe..." Nagtinginan naman kaming tatlo at humagalpak ng tawa. Hmmm mukhang may iniisip silang kalokohan ahh sali pala ako hehehe.

" Hoyy anong iniisip niyo diyan ha?"

" Nothing nag-iisip lang kami kung anong ire-regalo sayo at kung anong damit ang susuotin namin,"

" Ayy gano'n heehehe!" Nagtinginan kaming tatlo at nagpipigil ng tawa.

Hmm it's kinda interesting hah...

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon