Kabanata 33

167 10 1
                                    

Kaye's POV

Ang iisipin kona muna siguro ngayon ay ang misyon, hindi iyong mga bagay na walang kwenta.

" Hoy Grey!" At agad naman siyang huminto. Pero hindi naman ito lumingon sa 'kin. Kaya nilapitan kona ito dahil mukhang tulala ang virus na 'to.

" Tulala ka diyan?"tas unti-unti naman siyang lumingon sa 'kin.

" Huh? May sinasabi ka?"

" Bakit ka tulala? Eh kung pinaputukan ka ng bala diyan edi tsugiig kana"mataray na sabi ko.

" What's tsugiig?"

" Tse... iwan ko sa'yo" sabay irap ko at nilagpasan siya.

" You're concern?" At agad naman akong natigilan
" nakakataba naman ng heart 'yan" sabi niya, ni hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa 'kin.

" Tss asa ka"

Kagat-labi naman akong nagpatuloy sa paglalakad.

" Sus kunwari pa, aminin muna kasi na concern ka sa 'kin!" Huminto naman ako sa paglalakad at unti-unti siyang nilingon.

" Pwede bang tumigil ka" naiinis na sabi ko.

" Just say it, that you're con-"

" Oo na"sabay iwas ko ng tingin.

" Really?" At unti-unti naman siyang lumapit sa 'kin.

" Oo nga dahil"

" Dahil what?"

" Dahil baka ano... mamatay ka ta's wala na akong partner...alam mo namang 'di ko kaya na mag-isa sa misyon" sabi ko habang hindi parin nakatingin sa kaniya.

" Masyado kalang praning germs, patay talaga? Well, hindi naman 'yun mangyayari dahil alam ko namang ililigtas mo ako, right lady Z?"

Napakurap-kurap naman ako tapos ay lumunok ng ilang beses.

" Ano b-bang pinagsasabi m-mo diyan? Anong tingin mo sa 'kin may kapangyarihan?"at napapitlag naman ako ng bigla niya akong inakbayan.

" Tsk, tara na nga"

Inirapan ko siya at iniwaksi ang kamay niyang naka-akbay.

" Tss nakilala mo lang ang chairman at ang ZWAR ganiyan kana dumikit sa 'kin. Na noon na para akong isang disease na pinagtatabuyan mo dahil baka mahawaan ka ta's ngayon" napahinto ako ng makita kong nakangiti ito na nakatingin sa 'kin.

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon