Kabanata 14

242 48 11
                                    

Kaye's POV

Nagising ako ng marinig ang alarm clock ko. Nagstretching muna ako ng kaunti at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni kuya. Hindi nakalock ang pinto kaya binuksan ko na ito agad. Napangiwi ako ng makita kung tulog pa ito tsk tsk tsk. Lumabas muna ako at dumeretso sa kusina para kumuha ng isang basong malamig na tubig. tapos ay pumunta ulit ako sa kwarto niya at ibinuhus lahat sa mukha niya.

" Wtf.. fuck.. fuck.. fuck.. fuck.. Zayleigh why did you do that damn it " sabay bangon niya at agad naman niyang pinunasan ang kaniyang mukha.

" Nakabihis na ako't tulog kapa... aba'y hindi pepwede 'yan! Bumangon kana diyan at maligo kung ayaw mong magkablack eye ka ng maaga" sigaw ko at lumabas. Nakanguso naman siyang nagtungo sa bathroom. Dumeretso naman agad ako sa kusina.

" Sino 'yung sumisigaw hija?" Tanong ni manang habang inaayos ang pagkain sa mesa.

" Morning manang si kuya po" walang ganang sabi ko.

" Aba'y kay aga-aga nagmumura ang batang iyon" hindi na ako sumagot at nag umpisang kumain. Kulang ang tulog ko, hindi ko alam kung bakit napuyat ako sa pag-iisip ka gabi, kinginang Grey 'yan.

Flashback

Summer ng pumunta ako sa bahay ni daddy ayaw naman sana ni mama dahil magbabakasyon sana kami sa bohol pero pinili kong dito kay daddy dahil namimiss ko rin si kuya.

" Kuya may nakita akong four boys doon sa pool kaibigan mo ba sila kuya?" Inosenteng tanong ko kakatapos lang naming magpractice ng martial arts with Dad.

" Magpunas ka muna and then ipakilala kita sa friends ko" sabay bigay ni kuya ng towel. Pagkatapos kong magpunas ay dumeretso kami sa pool kung saan ang friends niya. 9 years old ako si kuya naman ay 10.

" Heyy I want you to meet my little sister Zayleigh Kaye" pakilala ni kuya sa akin.

" Siya si Neuxen Client Gallaghe" turo niya sa medyo kulot ang buhok ngumiti lang siya sa 'kin.

" Siya si Nicolaus Astron Collins" tumingin lang siya sa 'kin at katamtaman lang ang payat niya.

" Siya naman si Blight Vence Cowan" ngumiti naman siya sa 'kin nangpagkalaki-laki.

" Hi" nakangiting bati niya sa 'kin.

" Hello" tapos ningitian ko rin siya.

" At ang pinakamasungit at maarte ay si Laurus Grey Laxamana" tiningnan ko naman siya ulo hanggang paa, gwapo ito medyo matangkad pero biglang nagsalubong ang kilay niya. Ngumiti naman ako sakanya pero mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

" Is she your half sister Zary?" Biglang tanong ni Grey habang nakakunot ang noo.

" Yes" ikling tugon ni kuya.

" I see, she's ugly tho" Sabi niya habang inirapan ako tapos tumalon sa pool.

" Don't mind him he's asshole" bulong ni kuya at ngumiti lang ako sakanya. Sumunod ring tumalon sa pool ang mga kaibigan niya.

The next day ay pumunta ulit ang mga kaibigan ni kuya sa bahay.

Nakaupo ako sa isang malaking couch at pinanood sila kuya na naglalaro ng computer games.

" You lose" sigaw ni kuya ng matalo niya si Grey.

" Nah because nandito ang kapatid mo... minamalas tuloy ako" nakangusong sabi niya

Lady Z [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon