Kaye's POV
Nanatili pa ring dilat ang aking mga mata. Ang mga kasamahan ko ay mukhang hindi kinaya ang sobrang antok. Si Director at si dad ay nakatulog sa couch, ang ulo ni Director ay nakapatong sa ulo ni dad. Napa-iling na lang ako at nag-iwas ng tingin.
Napatayo ako nang biglang lumapit ang doctor ni Kuya, kasama nito ang mga nurses.
“How's my brother, doc?” Agad na tanong ko. Naramdaman ko namang gumising ang mag-asawa.
Nakatingin ang doctor sa akin ng mariin, sabay buntong-hininga.
“We examine his heart thoroughly. At talagang mahina na ang puso niya, kailangan na siyang operahan as soon as possible.” Napakurap-kurap ako at kagat-labing tiningnan ang pintuan ng kwarto ni Kuya.
“It means dadalhin na ang anak ko sa America? ” Naiiyak na tanong ni Director. Tumango naman agad ang doktor. “When?”
“Ngayon din.”
“Are you freaking kidding us!?” Asik ni dad.
“Masyado ng mahina ang puso niya, kapag hindi agad siya na-operahan. Maaari siyang mamatay. Don't worry naasikaso na ni Chairman Bautista ang lahat. The airplane is now ready at pagdating niyo doon ay agad na asikasuhin si Zary ng mga doctor doon, especially his private doctor.” Kaya pala ay biglang umalis si Chairman na walang paalam.
“Chairman Bautista ay nandoon na sa sasakyan, dadalhin naman ng mga nurses si Zary doon sa sasakyan kung saan si Chairman Bautista.”
“Follow me.” Biglang sabi ng assistant ni Chairman. Tumango naman ang doctor sa amin at naglakad paalis.
“Mag-iingat kayo doon beshie ah?” Naiiyak na sabi ni Star. Mapait ko siyang ningitian at tinanguan. Si Cordon naman ay hinawakan ang balikat ko sabay tango.
Pinahatid muna namin sila bago kami sumunod sa assistant ni Chairman. Bago kami umalis ay pinauna namin ang sasakyan ni Chairman pagkatapos ay sumunod kami.
Habang nasa daan kami patungo sa airport ay panay ang hikbi ni Director at hindi naman nagsasawa si Dad na aluin ito. Gusto ko mang umiyak pero wala namang magagawa ang iyak ko kaya ang mas masarap na gawin ay ang magdasal na lang dahil siya lamang ang makakatulong. Sana nga ay pakinggan niya ang panalangin ko kahit malaki ang kasalanan ko.
Hindi pwedeng mawala si Kuya. Napaka-importante ni Kuya sa akin.
My brother is an amazing brother and a great person. His whole life has been hard, but he has never give up on anything and I hope he won't give up this time too.
Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung sakaling mawala si Kuya. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. At ayaw kong dumating ako sa punto na wala ng taong lalapit sa akin dahil natatakot na sila sa akin. At ako mismo ay hindi ko na makilala ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Action#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...