Kaye's POV
“Leigh...” Biglang may pamilyar na boses akong narinig, boses lalaki. Umikot ako para makita kung sino ang nagsalita pero wala akong makita kahit na anino. “Zayleigh...” Ang boses na iyon ang gustong-gusto kong marinig muli. Palapit na palapit ang tinig na iyon sa kinaroroonan ko. “Leigh...” Mas lalong lumakas ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko parin nakikita kung sino ang tumawag sa akin.
Bigla kong itinaas ang aking kamay upang takpan ang liwanag na nakakasilaw. “Leigh...” Unti-unti ko namang ibinaba ang aking kamay nang marining muli ang boses na 'yun. Nakita ko naman ang nakangiti kong kuya.
“Kuya?”
“Yeah, it's me.” Nangilid ang luha kong tumakbo papalapit sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Narinig ko pang tumawa siya.
“Bakit mo ako pinagtatawanan, kuya? Alam mo ba kung gaano na kita ka miss?” Umiiyak na sabi ko sa kanya.
“I missed you too, but you need to accept that I'm gone. Revenge isn't good. Do not revenge on someone it hurts you worse than what they have do to you. Siguro ay kailangan mo ng maging malapit sa diyos, Leigh. Magpatawad ka, tulad ng ginawa ng diyos. Pinatawad niya tayo sa lahat ng maling ginawa natin kaya dapat ay matuto kang magpatawad sa mga taong nagkasala sa'yo.” Napakurap-kurap naman ako.
“Pero pinatay ka nila, kaya dapat lang buhay din ang mawala sa kanila.” Umiling naman agad siya.
“Listen to me. Simula ngayon ay babaguhin mo ang iyong sarili, gumawa ka na ng mga bagay na mabuti. Huwag mong hayaan na malamon ka ng kadiliman. Iyan lang ang hiling ko sa'yo. Parati akong nasa tabi mo at palagi kang binabantayan ng nasa itaas.” Magsasalita na sana ako ng biglang nagliwanag ang harapan ko kaya agad kong tinakpan ang mukha ko dahil nasisilaw ako sa liwanag. Nang maibaba ko ang aking kamay ay wala na si kuya sa harapan ko.
Hindi maaari....
“Kuya!” Sigaw ko. Pero bigla akong natigilan ng makita ko sila dad na natigilan dahil sa biglaan na pagsigaw ko.
“Nanaginip ka?” Agad na tanong sa akin ni Chairman. “I'm glad that you are awake.” Tapos ay niyakap nila ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang pamilyang Laxamana. Napulunok naman ako ng makita ko si Grey na nakatingin sa akin at may benda ang kanyang mukha. Nag-iwas naman agad ako ng tingin.

BINABASA MO ANG
Lady Z [ COMPLETED ]
Hành động#955 in action #133 in action-romance R-18+ Zayleigh is mysterious and belligerent girl. She has a lot of secrets until Grey came and discovered what it is. Grey is a son who owned LIS (Laxamana International School) he always thought that Zayleigh...