5 years ago (Eya is 13-years-old)
"Eya magluto ka na ng hapunan pupunta ang pamilyang Policarpio dito!" Sigaw ni nanay Madina.
Napabuntong-hininga ako at lumabas sa kwarto ko. Nasa salas siya kasama ang asaw niya habang nanonood ng T.V. Sanay na kong ganito. Hindi ko nga alam kung anak ba nila ko or katulong.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit nila ko inampon nung bata ako kung tatatratuhin din nila akong kasambahay. Nung una masaya kami kasama ang mga anak nila. Pero hindi ko alam kung bakit nagimba nalang ng pakikitungo nila sakin nung mag se-seven na ko.
Pagkatapos kong magluto saktong dumating na ang pamilya ni Ares. Agad kong inayos ang sarili ko nung nakita ko si Ares sa baba habang nakasilip ako sa bintana.
Matagal na kong may pagtingin kay Ares pero ang panganay na anak nila nanay Madina ang gusto niya. Magkaibigan na rin kami ng halos 2 taon at2 taon na akong may pagtingin sa kanya.
"Mare!" Maligayang bati ni nanay Madina sa mommy ni Ares. Ngumiti naman sakin si Ares nung nagtama ang tingin namin pero agad naman siyang nag-iwas nung makita niya si Mandy ang anak nila nanay Madina.
"Mandy!" tawag ni Ares sa kanya, nawala na ang ngiti ko habang pinanood ko si Ares maglalakad na nakangiti papaunta kay Mandy.
Nagpunta nalang ako sa kusina para kunin ang ibang ulam. Maya-maya pa nagsimula narin kaming kumain, ako lang ang tahimik habang may iba -iba silang pinag-uusapan.
Magkatabi ngayon si Ares at Mandy at nakaupo sila sa harapan ko. Puro ngiti lang silang dalawa at pinag-uusapan ang lahat ng bagay na pwede nilang pag-usapan.
Nagbaba nalang ako sa plato ko. Tanggak ko na naman eh, matagal na. Alam kong wala kaming pag-asa ni Ares. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
-----------------------
3 years later (16-years-old na si Eya)
"Eya!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Agad akong napangiti nung makita ko si Ares tumatakbo papalapit sakin. Pero nagulat ako nung bigla niya lang akong yakapin ng mahigpit at inikot pa!
"Ba't ang saya mo!?" takang tanong ko nung binaba niya ko.
"Hindi mo ba ko miss? Tatlong linggo din tayong hindi nagkita dahil pumunta kami sa Amerika." Nalulungkot niyang sabi, natawa naman ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.
"Syempre miss ko ang best friend ko." Sabi ko, ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko.
Naging close kami ni Ares nung umalis si Mandy papunta sa ibang bansa para mag-aral. Ako rin ang kasama ni Ares nung umiyak siya dahil sa paglisan ni Mandy. Masakit syempre, hanggang ngayon. Dahil nakinig ako sa damdamin ni Ares sa babaeng gusto niya.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...