Chapter 27

52 4 1
                                    




Eya's POV


Naalimpungatan ako sa mga tawanan naririnig ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko pero ang labo ng paligid kaya kumurap-kurap ako hanggang maka-adjust ang mga mata ko. Nung nakita ko na ng malinaw ang paligid agad akong napabangon sa higaan ko.

WTF!? Anong ginagawa ko dito!? Paano ako nakarating dito!? Sinong nagdala sakin dito!?

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid para makasiguradong hindi ako namamalik-mata. Kinurot ko pa ang mga pisngi ko at ang sakit! Gising nga ko! Hindi ako na nanaginip!

Nag-baba ako ng tingin sa suot ko. I'm still wearing my red dress. Tumayo na ko at pumunta sa C.R. Napakunot nalang ang noo ko nung pagtingin ko sa salamin at mukha akong heartbroken na umiiyak magdamag dahil sa mascara'ng kumalat sa mukha ko.

Agad akong naghilamos at nagsipilyo. Buti nalang may bagong toothbrush sa ilalim ng lababo. Inayos ko rin ang buhok ko, pero hindi naman ganun kagulo. Naglakad na ko palabas sa kwarto at naririnig ko na ang mga tawanan nilang lahat.

"Hahaha. Oo nga balae eh, wag kang mag-alala akong bahala." Rinig kong sabi ng nanay-nanayan ko.

Agad naman silang tumigil sa pagtawa nung makita nila akong pababa ng hagdan. Masama kong tinignan si Ares na katabi ang mommy niya. Nasa iisang coach naman ang mag-asawang nag-ampon sakin kasama ang mga anak nila, habang sa tapat nun ay ang pamilya ni Ares.

"Oh hija, you're so beautiful in that red dress." sabi sakin ng mommy ni Ares. I just smiled at her.

"Eya wag kang bastos, magmano ka sa tita mo." bulong sakin ng nanay-nanayan ko nung lumapit siya sakin. Kinurot niya pa ang braso ko! Putangina!

Pinilit kong ngumiti habang palapit ako sa mga magulang ni Ares. Una akong nagmano sa mommy ni Ares na katabi ni Ares tsaka yung daddy niya. Alam kong hinuhuli pa kanina ni Ares ang mata ko, pero ayoko siyang tignan dahil baka masuntok ko siya wala sa oras.

Nakatayo lang ako sa gitna ng dalawang pamilya. HIndi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Napatingin ako sa anak ng nag-ampon sakin, ngumisi ang dalawang lalaki sakin at pinagmasdan ako ulo hanggang paa. Manyakis talaga tong dalawang anak nilang lalaki. Like father, like son ika nga nila.

Nilingon ko naman ang dalawang babaeng anak nila at tipid silang ngumiti sakin. Mababait naman silang magkakapatid sakin, pinagtataggol din nila ako kung sinasaktan ako ng mga magulang nila. Pero kadalasan hindi nalang kami nagpapansinan.

"So, since your awake hija. Let's talk about your engagement with my son."

Gulat kong nilingon ang mommy ni Ares. Nakangiti lang siya sakin, kunot noo kong nilingon si Ares na seryoso lang ang itsura niya sakin.

"Ho?" Takang tanong ko. Napakunot naman ang noo ng mommy ni Ares.

"Ah." Napalingon ako kay Madina, yan ang pangalan ng nag-ampon sakin. Hinawakan niya ang braso ko na parang close kami. "Hindi pa kasi alam ni Eya na si Ares ang magiging finacé niya, ang alam niya lang may fiancé na siya." Nakangiting tuloy ni Madina. Napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya. Pinandilatan niya ko ng mata habang nakatingin siya sakin at inayos-ayos pa an buhok ko.

"Ah, ganun ba. Siguro nagulat ka hija, pero hindi ba okay yun?" Taka kong nilingon ang mommy ni Ares. "Naging magkasintahan naman na kayo diba? Muntik pa nga kayong magtanan noon, kahit mga bata pa kayo. Now you both 18, pwede na kayong magpakasal pagka-graduate niyo ng Collage." Masayang sabi ni Tita. Wow, nakaplano na talaga sila! Pero hinding-hindi mangyayari ang gusto nila. Gagawin ko ang lahat. Kung kailangan kong tumakas at lumayo sa lahat na mahalaga sakin gagawin ko para hindi sila madadamay.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon