Eya's POV
"A-ano nanaman ba kailangan mo sakin!? Ha!?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na to, basta ang alam ko takot na ko sa kanya. Nagtatapang tapangan lang talaga ako nun, hindi talaga ako matapang kagaya ng iniisip mo.
Hindi siya nagsalita, hindi niya ko pinansin at nakatingin lang siya sa mga mata ko. Kumunot ang noo kong napapaatras sa kanya. Ano nanaman ba ang balak ng lalaking to!? Ang hirap niya talagang mabasa!
Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa likuran ko, tinignan ko naman kung saan siya nakatingin. Pero wala namang tao sa likuran ko. Nilingon ko ulit siya. Nakatingin parin siya sa malayo.
"Huy may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" kabang tanong ko sa kanya tsaka ako tumabi sa kanya at hinawakan ang braso niya at nagtago sa likuran niya.
Tinignan ko ang paligid pero wala namang tao. Nung mag-angat ako ng tingin sa kanya, ganun nalang ang takot at gulat ko nung nakatingin siya sakin na salubong ang kilay niya. Kaya agad akong bumitaw sa braso niya at napayuko sa takot at hiya.
"Don't you dare touch me again." malaming niyang sabi. Mas lalo akong yumuko at minura siya sa isipan ko.
"Sige alis na ko." paalam ko tsaka ko siya tinalikuran at naglakad na paalis kaso napatigil ako nung hilain niya ang bag ko kaya natumba ako patalikod at bumagsak ang puwet ko sa lupa!
Masama ko siyang nilingon. Ngumisi lang siya at naglakad na paalis dun! Putangina talagang lalaking yun! Pagkatapos niya kong takutin, eto naman!? PUTANGINA MO TALAGA DRAGON KA!
Pumunta muna ako sa clinic at nagpalipas dun ng oras. Hinihintay kong mag-bell for lunch break.
"Ano ba kasing nangyari sayo Miss?" tanong ng nurse sakin. Maganda siya at bata pa, siguro 5 years older siya sakin.
"Eya nalang nurse, tsaka kanina po kasi pagbaba ko sa jeep nag-unahan po kaya ayun nasugatan yung mga tuhod ko." tugon ko.
Tumawa naman yung nurse tsaka niya nilapag ang mga panglinis na kailangan niya para sa sugat ko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama, yumuko naman yung nurse para linisin ang sugat ko sa tuhod.
"Oh, ayan nalinis na. Ililigpit ko lang tong mga to, magpahinga ka lang dyan kung hindi mo kayang maglakad." paalam ng nurse sabay pasok sa isang pinto sa clinic.
Kinuha ko naman yun phone ko sa bag ko. Basang na basag yung salamin dahil sa dragon nayun! Gumagana pa naman kaso palaging nag fre-freeze.
Tinext ko si Lai na nasa clinic ako, sinabi ko rin sakanyang maliit lang ang sugat na natamo ko dahil alam kung milyon milyon ang tatanungin niya sakin at mag-aalala yun.
Nung nag-bell na nagpaalam na ko sa nurse at naglakad na papunta sa canteen. Kaso hindi ako nakaligtas sa mga mata ng mapanghusgang mga tao sa paligid ko.
"How dare she touch my baby!?"
"Yeah, like duh. She has no rights."
"May payakap-yakap pa sa braso ni baby Ian ko ha."
"Gosh. I hate her!"
Rinig kong bulungan nila. Paano nila nakita yung pagyakap ko sa braso ng dragon nayun kanina!? Wala naman akong taong nakita sa parking kanina ha!? Ang bilis talaga ng chismis! Kasalanan kasi ng dragon---hindi pala kasalanan ko pala. Pero kasalanan niya din! Kung hindi niya ko tinakot edi sana hindi ko siya yayakain sa braso!
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...