Chapter 31

47 4 1
                                    




Eya's POV


It's been 1 week since I found out that Ares has a child. Hindi ko pa siya nakikita at nakakausap kaya hanggang ngayon ang alam nila tuloy parin ang kasal namin. Maraming beses ko narin siyang tinatawagan at tinetext pero lagi siyang busy!

Yung lalaking gustong pumatay sakin ay patuloy parin siyang nagpapadala ng death threats sakin. Pero wala parin may alam na may gustong pumutay sakin. Ayokong madamay ang mga taong mahalaga sakin. Kailangan ko tong harapin mag-isa.

Sabado ngayon at kanina ko pa tinatawagan si Ares dahil kailangan ko na talaga siyang makausap. Nasa kwarto ako ngayon, kakatapos lang namin ni Lai kumain ng tanghalian. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko habang tinatawagan ko si Ares.


["Hello?"] Finally! He answered!


"Ba't ba hindi mo sinasagot tawag mo!?" Inis na tanong ko. Natawa lang siyang mahina.


["Sorry, naging busy lang talaga ako."] Sagot niya.


"Ares we need to talk." Seryososng sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.


["Not now Yan, I'm tired and I'm still busy."] Tamad niyang sagot.


"Kailan pa!? Ares I really need to talk to you! ASAP! Hindi na ko makakaintay ng isang segundo, minuto, oras, oh araw! I need to talk to you immediately!" Tumayo na ko sa pagkakaupo sa kama ko.


Nakakainis si Ares! Parang iniiwasan niya ko! Alam ba niya kung ano ang pag-uusapan namin!?


Bumuntong-hininga siya. Isang minutong katahimikan bago siya sumagot.


["Okay, I'll pick you up."] Sagot niya at binaba na ang tawag.


Agad naman akong nagbihis at hinintay si Ares sa baba. Nakatingin ako sa labas nung narinig ko ang mga yapak pababa sa hagdan. Nilingon ko si Lai na pababa sa hagdan na may nagtatakang tingin.

"San ka pupunta?" Tanong niya nung nakababa na siya. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo, tinabihan niya naman ako.

"Makikipag-meet ako kay Ares." tugon ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano? Bakit?" takang tanong niya. Bumuntong-hininga ako.

"Kailangan naming mag-usap tungkol sa kasal." tugon ko. Tumango naman si Lai at magsasalita na sana kaso may bumusina sa labas. Tumayo ako at tinanaw kung sino yun at nakita ko ang kotse ni Ares sa labas.

"Sige una na ko." Paalam ko kay Lai. Tumango naman siya at sinabing mag-ingat daw ako mas lalo na kay Ares. Natawa naman ako tsaka ako umalis dun at sumakay na sa sasakyan ni Ares.

"Hey." Buti niya sakin nung nakapasok na ko. Nginitian ko siya.

"Hi." bati ko.

"San mo gustong pumunta?" Tanong niya at in-start na ang pagmamaneho.

"Sa lugar kung saan tayong dalawa lang." tugon ko. Napakunot noo naman niya pero tumango din naman.

Mabilis kaming nakapunta sa park na walang masyadong tao. Nag jo-jogging ang mga matatanda, yung mas bata kasama nila ang aso nilang nag e-exercise. May nag bi-bike din at namamasyal kaso malayo sila samin.

Bumaba na kami ni Ares at pumunta sa bench na malapit sa water fountain. Malayo yun sa lahat at walang masyadong dumadaan. Umupo kami sa bench at pinanood ang water fountain.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon