(Not edited yet)
-------------
Eya's POV
Nagising ako ng 5:00 am kanina dahil nanaginip nanaman ako, hindi na ko natulog dahil baka managinip nanaman ako at hindi na ko inaantok. Kaya nag desisyon ako na magluto na ng breakfast.
Nung nagising si Lai agad kami kumain ng breakfast para makaalis na agad at makapaggrocery. Malapit lang naman ang grocery rito, kaso baka traffic at baka maraming tao. Kaya mas mabuting maaga kami makapamili ni Lai ngayon.
Nagsuot ako ng pantalon at halter tank top. Nung bumaba ako naghihintay na sakin si Lai sa sala.
"Bili tayo ng mga karne, binigyan ako ni Mama ng maraming allowance kaya marami tayong pero." sabi ni Lai habang tinutulak niya ang cart at tinitignan ang papel kung saan niya sinulat ang mga kailangan namin. Tumango nalang ako.
"Yan, ikaw na muna magtulak nito. May hahanapin lang ako." sabi ni Lai. Tumango naman ako at hinawakan ang handle ng cart. Hindi ko alam kung saan pupunta si Lai, hinintay ko nalang siya habang tumitingin ako ng mga gulay. Dala ko naman ang phone ko kaso mabilis malowbat kaya hindi ko na gagamitin.
Kumuha ako ng carrots, petchay, kalabasa, at kumuha din ako ng mga prutas tulad ng saging, mansanas, at grapes. Kukuha din sana ako ng strawberry kaso may una ng kumuha ng nag-iisang supot ng strawberry. Makikipag-agawan sana ako kung hindi siya matanda eh dahil favorite ko ang strawberry kaso ayoko naman maging bastos no.
Habang naglalakad ako sa harapan ng mga gulay, napalingon ako sa paligid at hinanap si Lai, kaso hindi ko siya nakita. Nasan na kaya yung babaeng yun? Kung saan-saan nanaman siya pumupunta, baka mawala yun!
Sunod akong pumunta sa aisle ng mga snacks. Bumili ako ng mga chichirya at biscuits. Nasa ganun akong sitwasyon nung mag-text sakin si Lai. Sabi niya kukuha daw ako ng flour dahil mag ba-bake daw siya.
Mahilig din siyang mag-bake kasi, gaya nanay niya. Magaling din siyang mag-bake, siya nga ang nag-bake ng birthday cake ko last year eh. Actually, every year tsaka masasarap din ang mga binibake niya.
Pumunta ako sa baking aisle para kumuha ng flour pero napatigil ako nung makitang nasa tuktok ang harina! Matangkad ako kaso hindi ko maabot yun harina. I tip-toe to reach it but I'm just touching it and I can't get it!
Napatigil lang ako nung may maramdaman akong tao sa likuran ko at inabot ang harinang kinukuha ko. Agad ko naman siyang nilingon nung lumayo siya sakin. Ganun nalang ang gulat ko nung makita sa James hawak ang harina at nakatingin sakin.
"S-salamat." tugon ko, kukunin ko na sana yun sa kamay niya kaso inilayo niya sakin at...nilagay sa cart niya!?
Oh my ghad! Kailangan niya pala ng harina, kala ko naman kinuha niya yun para sakin! Argh! Nakakahiya ka Eya!
Ay oo nga pala, kampon siya ng dragon kaya isa rin siyang asshole! Si Cyjan lang talaga ang gentleman sa kanila no!? Kahit man sabihin ng ibang tao na mabait din tong lalaking to, hindi ako naniniwala dahil wala siyang mabuting pinakita sakin!
"Why are you thanking me?" takang tanong niya pero may batid na pang-asar sa tono niya. Nakita ko pa ang pagpigil niya sa ngisi niya.
Inirapan ko naman siya at tinalikuran tsaka ko ulit inabot ang harina, kaso hindi ko na yung mahawakan dahil kinuha na ni James ang pinakamalapit na harina!
Napapikit nalang ako sa inis at hinarap si James para magpatulong sana kaso wala na siya!? Ang galing talaga ng magkakaibigang yun eh no!? Bumuntong-hininga nalang ako dahil sa inis at muling inabot ang harina pero napatigil ako nung may magsalita sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
Roman d'amourBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...