Not edited yet
Eya's POV
"Argh! Ayoko na!" inis kong sabi sa hangin habang inuuntog-untog ko parin nag ulo ko sa lamesa. Natigilan lang ako nung maramdaman kong lumambot ang lamesa.
Agad kong nilayo ang mukha ko sa lamesa at minulat ang mga mata. Tumumbad sakin ang isang kamay, nag-angat ako ng tingin at napaayos agad ako ng upo nung si Ian pala yun. Fresh from the shower siya at iba na ang suot. Ang bilis niya naman maligo? Ilang minuto ko na kayang pinaguuntog ang ulo ko sa lamesa?
"Baka masira ang lamesa." Sabi niya. Naningkit agad ang mga mata ko sa kanya at sinundan siya ng tingin nung umupo siya sa upuang nasa harapan ko. Yun pa talaga ang unang sabi niya ha! Mas mahalaga ba ang lamesa kay sa buhay ko!?
Tinaasan niya ko ng kilay nung nakaupo na siya. Napalunok naman ako nung ayosin niya at suklayan ang buhok niyang basa gamit ang mga daliri niya. Ghad! Ba't biglang uminit dito!? Ang hot nun ha! Shit!
"So, when can we start?" agad akong natauhan at nag-iwas ng tingin. Ghad!
"Ngayon na, ilabas mo na ang mga gamit mo." Tugon ko sabay bukas sa bag ko at nilabas yung mga gamit ko na kakailanganan namin. Nilabas niya na rin ang mga gamit niya.
Nireview lang namin ang mga ginawa niya noong nakaraang araw, hindi ko kasi na-check yun eh. Totoo nga ang sabi nila, matalino ang batang ito. Naperfect lahat eh, edi sana all.
Tinuruan ko rin siya ng mga bago, ginamit ko ang textbook para ituro sa kanya pati narin ang notebook ko. Pero hindi siya nakikinig! Parating na sa notebook ko ang atensyon niya. Ano ba ang meron sa notebook ko at kanina pa niya tinitignan yun!? Nahihiwagaan na tuloy ako sa notebook ko, may sumpa kaya yun!? Hala!
Sinasagot ngayon ni Ian ang sinulat kong equation. Ako naman tulala lang sa bintana habang nakatingin sa mga ibon na nasa veranda. May veranda rin pala sa study room, maliit lang yun. May dalawang ibon na nakatayo sa railings sa veranda. Mukhang naglalandian. Hay naku, dito talaga sa harapan ko ha!? Oo na single na ko! Pero sabi ko nga noon my heart is still under renovation. Close until further notice.
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang renovation ng puso ko. Basta titibok nalang ito ng malakas at mabilis sa lalaking nakatadhana sakin. Sa hindi ko malamang dahilan, napalingon ako kay Ian na seryosong sino-solve ang equation.
Oo magkaaway kami pero ang gwapo niya! Mas lalo na ngayon dahil tinatangay ng hangin ang buhok niya. Nakabukas kasi ng kaonti ang pinto ng veranda. Napangiti nalang ako nung kumunot ang noo niya at naguguluhan sa ginagawa niya.
Agad akong nag-iwas ng tingin at sumeryoso ang mukha ko nung nag-angat siya ng tingin sakin. Siguro tatanungin ang tulong ko.
"Yan." Napalingon ako sa kanya. Patay malisya lang tayo. Tsaka bakit Yan ang tawag niya sakin? Can I call him Baste then? Pinigilan kong tumawa sa ini-isip ko.
"Bakit?" Inosente kong tanong.
"Can you help me? I forgot some of the steps." Nagpabalik-balik ang tingin niya sakin at sa notebook na nasa tapat niya. Ang cute niya. Para siyang batang inosenteng-inosente.
Napabuntong-hininga ako at umupo sa tabi niya, katapat ng veranda. Nilapit ko ang upuan ko sa gawi niya at kinuha ang notebook.
Tinignan ko ng mabuti ang gawa niya. Tama naman ang ginagawa niya, nagkamali lang siya sa pangalawang step.
"Okay so bago mo i-divide to kailangan mong i-multiply muna." Sabi ko sabay turo sa mga kailangan niyang i-multiply at i-divide. Hindi ko siya nilingon pero nung wala pa siyang sagot, kunot noo ko siyang nilingon.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...