Chapter 24

47 4 0
                                    

Not edited yet.


Eya's POV





Isang araw na ang nakalipas. Friday na ngayon, mamayang gabi na ang Acquaintance party namin. Hindi ko na nakita si Ian at ang tatlo kahapon, busy sila sa practice at hindi pumasok si Ian dahil masakit parin ang katawan niya. Hindi ko nga alam kung pupunta siya mamaya sa party eh.

Nasa bahay kami ngayon nila Leah. Hindi na kami umuwi ni Lai sa apartment namin dahil malayo. Dito nalang kami mag-aayos. Mine-makeapan kami ngayon ni Leah at Kate. Tumanggi ako kanina dahil magsasayaw lang naman ako at wala akong ka-date pero nagpumilit sila. Sabi nila may magtatanong daw sakin dahil maraming walang partners.

"Nguso mo pa." Sabi sakin ni Leah. Hawak niya ang baba ko at sa isang kamay niya may hawak siyang lipstick. Mas nginuso ko naman ang labi ko.

"Hwinde, pwaba kwami twapos?" Tanong ko sa kanila habang nakanguso ako.

"Ssshhh. Stay still." Sita sakin ni Leah, napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan siyang make-apan ako.

Magkatabi kami ngayon ni Lai, si Kate ang nag ma-makeup sa kanya habang si Leah naman sakin. Tapos na silang mag-makeup pati buhok nila. Kailangan lang nilang isuot ang mga dress nila at magmumukha na talaga silang prinsesa.

Nung tapos na nila kaming make-apan, isa-isa na kami pumasok sa C.R para makapagpalit kami. Hindi pa kami magsu-suot ng dress ni Lai dahil mauuna ang sayaw ng grupo namin. Meron kaming isang oras sa dulo para suotin ang dress namin kaso tamad akong magpalit. Pero dadalhin ko parin sayang naman eh.

Nagpicture-picture pa kaming apat kasama nadin ang mama ni Leah na napakaganda kagaya ng anak niya at napakabait.

Nung tapos na kami, hinatid na kami ng driver nila Leah. Marami ng taong nagdadatingan nung dumating kami. Ang gaganda rin ng mga suot nila at pati ang buhok nila at makeup.

Nung pumasok kami sa loob dumeretso na kami sa gym dahil dun magaganapin ang party. Ang ingay na ng music. Marami narin estudyante sa loob, buti nalang talaga malaki ang gym sa school na to.

"Guys punta na kami ni Yan sa backstage." Sigaw ni Lai dahil ang lakas ng music. Tumango naman ang dalawa at umalis na kami ni Lai dun.

Pagkadating namin sa backstage nakita namin ang ibang miyembro ng dance group namin. Napangiti ako nung nakita kong na nanalamin si Sean sa salamin at inaayos ang buhok niya. Agad din siyang ngumiti nung nagtama ang tingin namin sa salamin, lumingon siya samin at lumapit.

"You guys look so beautiful tonight." Nakangisi niyang sabi. Napairap nalang ako sa kanya dahil alam kong nag-aasar lang siya.

"Ngayon lang?" Takang tanong ni Lai. ngumiti naman si Sean.

"Always." Ngiting sabi niya at tumingin sakin, napangisi naman ako at iniwan na sila dun para ibaba ang hawak kong bag kung nasan ang pagpalit ko mamaya.

Sobrang busy ngayon sa likod ng backstage, 30 minutes na ang nakalipas. Puro 'excuse me', 'tabi' ang naririnig ko. Tapos takbo duon, takbo dito hay naku nakakahilo na sila. Parang nasa isang magarang party ako ng isang mayaman. Na kailangan perfect, dahil kung hindi fired ka agad.

"Okay guys, magtipon-tipon na kayo dito." sabi ni Ms. K, tumayo naman ako sa kinauupuan ko at lumapit kaming lahat kay Ms. K na mukhang kabado.

"Okay team we can do this, okay lang kung may magkamali don't stress yourself. Wala tayo sa competition." Biro ni Ms. K, tumawa naman kaming lahat. Alam ko kahit nakangiti kaming lahat ngayon, sa loob kabado kami. Eh paano ba naman kasi para talaga kami nasa isang competition.

"Ms. K 1 minute na lang, maghanda na kayo." napalingon kami sa M.C. na nasa stage. Napatango naman si Ms. K sa kanya.

"Okay team, we can do this! Ready?" tumango kaming lahat sa sinai ni Ms. K at pinagpatong-patong namin ang isang kamay namin at inihagis yun sa ere.

"WELCOME EVERYONE TO MANNING INTERNATIONAL SCHOOL ACQUAINTANCE PARTY!" masiglang sigaw ng M.C. Nagsigawan lahat at nagpalakpakan. Nasa backstage lang kaming lahat at hinihintay ang hudyat ng M.C. kung kailan kami lalabas. Syempre hindi mawawala ang introduction bago ang sayawan.

"EVERYONE LOOK SO STUNNING THIS EVENING. READY NA BA KAYO!?" masiglang sigaw nanaman ng M.C. mas lalong umingay at lumakas ang hiyawan at palakpakan.

"Before we start, let us all welcome our Dean on stage." Sabi ng M.C. nag palakpakan lang ang mga estudyante at wala sa kanila ang nag-sigawan.

"Ha. Ha. Ha. Thank you, thank you everyone. I know you all have been waiting for this event to happen. Where you can dance with the special someone you love." Biro ni Dean, nagtatawanan na naman at nag palakpakan ang lahat. Pati kami na nasa backstage nakisabay sa palakpakan sa labas.

"And of course to have some fun with your friends and dance with your crushes." Biro nanaman ni Dean na mas lalong ikinatawa ng lahat.

"Alam kong naiinip na kayo, kayo hindi ko na pahahabaan pa ang walang kwenta kong speech." Tumawa nanaman kaming lahat. "Have a nice night everyone and have fun!" yun ang huling sinabi ni Dean bago siya bumaba at pumunta kung saan.

"Hahahaha. So, before we start our slow dance our MIS dance team is going to dance for us. So, please welcome our MIS dance team!" masayang sabi ng M.C. Nawala na ang ilaw at nagsimula ng tumugtog ang music na sasayawin namin. Unang nagsayaw sila Lai at ang iba namin kasamahan. Naiwan kami nila Sean at ibang kateam namin.

"WOW! That was so amazing!" Papuri ng M.C. nung tapos ng sumayaw sila Lai at iba namin ka-team. Mamaya pa kami ni Sean at iba namin ka-team, sa pangalawang tugtog pa ko lalabas.

"Great job guys, that was awesome!" puri ni Ms. K sa mga sumayaw kanina. Lumapit naman samin si Lai na pawisan, agad ko siyang sinalubong ng yakap at nginitian.

"Galing mo bes! Hangang-hanga sayo si Cy." tugon ko sa kanya. Biglang namula ang mga pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin at uminom ng tubig. Sumilip kasi ako kanina at natanaw ko ang tatlo nakaupo at hangang-hanga talaga sila, pansin ko na kay Lai lang ang atensyon ni Cyjan. Mukhang hindi rin pupunta si Ian ngayon.

Nag slow dance na silang lahat. Hindi kami umaalis sa back stage, dito narin kami kumain. Mamaya na kami lalabas pag tapos na namin ang tatlong sayaw.

"Wow, ang sweet niyo naman lahat. Sa mga walang partners diyan wag kayong mag-alala dahil baka mapili kayo ng special guest natin mamaya." masayang sabi ng M.C. nagsigawan naman ang mga babae at nagrereklamo narin sila dahil gustong-gusto na nilang makita ang special guest na "gwapo" daw. Curious din naman ako, kaya nag-aabang din ako.

"Oo, alam kong atat na atat na kayo. Wag kayong mag-alala dahil malapit ko na siyang ipakilala sainyo mamaya. For now, makikita muli natin ang MIS dance team!" tuloy ng M.C.  nagsimula ng dumilim at tumugtog ang music. Naghanda narin ako.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------





To be continued.....

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon