Chapter 2

105 6 1
                                    

Eya's eyes color. Well idk ganyan ang naimagine kong color ng mata niya hahaha. But a bit darker lang.

_____________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_____________

Eya's POV


Kaklase ko ang apat!

Bakit!? Pagminamalas ka naman oo! Ba't sila pa!? Kahit hindi ko pa sila kilala at ngayon ko lang sila makita mukhang magsisisi akong nag-aral dito dahil sa kanila.

Nagbaba nalang ako ng tingin nung naglakad sila papunta sa gawi ko. Napapikit ako nung marelize kong dun sila sa likod ko uupo! Bakit naman po ganito!? Sila pa talaga!?

"Good afternoon class." pumasok ang isang matandang lalaki, siguro siya yung teacher namin. Nakangiti siyang naglakad papunta sa lamesa niya at masaya niyang nilapag ang mga gamit niya.

Mukhang hindi ako mahihirapan dito kagaya sa Science, mukhang hindi naman ganun kasungit tong teacher namin gaya ni Ms. Blint.

"Good afternoon Sir Lazar." bati ng mga kaklase ko. So ako lang ba ang new student dito sa class na to? Mukhang kilala nila ang teacher namin eh.

"I know all of you---no I dont know you." sabi niya nung nagtama ang tingin namin, napalingon naman lahat sakin!!!

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat pag transfer student ka eh! Nasayo ang spotlight!

Napapikit nalang ako tsaka muling nilingon ang babaeng katabi at nginitian, ganun din siya.

"Are you a transfer student here?" tanong ni Sir Lazar, napalingon ako sa kanya at tumango.

"Y-yes Sir." tugon ko, tumayo ako.

"Wow ang ganda ng mga mata mo, may ibang lahi ka ba?" tanong ng babaeng katabi ko, napalingon naman ako sa kanya. Ngumiti ako.

Hindi ko naman masasabing oo dahil hindi ko nga maalala eh.

Napalingon ako sa lalaki sa likod nung bigla kong makitang napangiti siya sa gilid ng mata ko. Kung hindi ako nagkakamali siya si Brent? Oo yung pilyo at mas playboy sa kanila. Kinindatan niya ko nung magtama ang tingin namin, kumunot naman ang noo ko.

"What's your name?" tanong ni Sir. Nilingon ko naman siya.

"Eya Sir." tugon ko. Napatang-tango siya.

"Is that short for something?" he asked.

"Anila Sir."

"Oh, Vanilla."

Natawa naman ako, kadalasan kasi nagkakamali ang mga tao sa pangalan ko. Ka tunong kasi ang name ko sa Vanilla.

"It's Anila Sir, not Vanilla." I corrected him.

"Oh, my bad." he laughed.

"May boyfriend ka na ba?" sigaw ng lalaking nasa kabilang side. Hindi ko siya sinagot, nginitian ko lang siya bilang tugon.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon