Not edited yet, sorry for the typo an grammars<3
Eya's POV
Pagkalabas ko sa hideout ng apat agad akong pumunta sa canteen at hinahap sila Lai. Naabutan ko naman silang tumatawa habang nagkwekwentuhan. Maglalakad na sana ako kaso nakita ko ang isang babaeng mapula ang leeg.
"Oh. My. God. Ang bango ni baby Brent kanina, gosh his lips hmmm Yum." Maarte niyang kwento sa mga kasama niya.
Nainggit naman yung mga kasama niya. Sabi nila 'Sana all' 'Magpapakagat din ako kay baby Brent' 'Kainggit' blah blah blah.
Hindi ko gets kung bakit baliw na baliw sila sa apat. Gwapo nga sila pero yun lang. Hindi ko nga gets kung bakit nagpapalandi sila sa mga lalaking yun kung alam naman nilang babaero yung mga yun at pinaglalaruan lang sila.
Napailing-iling nalang ako sa kanila at naglakad na palapit kung nasan sila Lai. Napatingin silang tatlo sakin nung umupo ako sa tabi ni Lai. Agad kong kinuha ang pagkain nasa harapan ng upuan ko at nagsimula ng kumain dahil gutom na gutom na ko.
"Oh, ano ng nangyari?' tanong ni Lai. Nilunok ko muna nag ngininguya ko bag ako nagsalita.
"Wala." tugon ko tsaka ako bumuntong-hininga.
"Ba't ang tagal mo dun?" tanong naman ni Leah. Siguro kwenento na sa kanila ni Lai kung bakit ako nandun.
"M-may pinuntahan kasi sila k-kaya hinintay ko na sila dun." pagsisinungaling ko. Well, meron naman silang pinuntahan at wala sila dun. Kaso hindi ko naman pwedeng sabihin na nag-usap kami ni Ian at sabihin sa kanila ang nangyari kanina.
Napailing-iling nalang ako dahil naalala ko nanaman ang nangyari kanina dun.
"Anong nangyari sa braso mo?" tanong ni Lai, nagulat naman ako sa tanong niya at agad ko siyang nilingon. Alam niya kaya? Kailan pa?
"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Wag ka ng magpanggap na hindi mo alam ang tinutukoy ko, sinundan kita kanina papunta sa hideout nila at hinintay kita sa labas. Naabutan ko naman dumating ang tatlo, at tinanong ako ni James kung nagpa check up ka na ba tungkol sa braso mo. naguluhan naman ako at tinanung ko kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya sinabi niya sakin na may pasa karaw sa braso. Kaya ko tinanong sayo kung anong nangyari diyan at saan mo yan nakuha." Dere-deretchong sabi ni Lai.
Napatingin naman sakin sila Leah at Kate. Wala nakong choice kundi sabihin sa kanila dahil nabuking na ko. Bumuntong-hininga ako at pinakita sa kanila ang pasa sa braso ko.
Hindi ko na sinabi sa kanila ang buong istorya. Hindi narin sila nagtanong. Nung malapit ng mag-bell naghiwa hiwalay na kami, pumunta muna ako sa C.R bago ako pupunta sa klase ko. Tinignan ko rin ang pasa sa braso ko sa salamin, hindi ko pa yun nagagamotk aya siguro lumala.
Pagkatapos kong punasan ang kamay ko lumabas na ko sa C.R. Paglabas na paglabas ko sa C.R biglang may humawak sa palapulsunan ko na ikinagulat ko. Gulat ko naman nilingon kung sino yun sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nung makita si Ian, na seryosong nakatingin sakin.
"A-anong kailangan mo?" kinakabahan kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumipiglas sa pagkahawak niya sakin. Hindi niya ko sinagot, sa halip ay naglakad siya at hinila ako. Nagbulungan nanaman ang mga estudyanteng nakakakita. Hindi ko naman sila pinansin at nakatingin lang ako sa kamay ni Ian sa palapulsunan ko.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...