Eya's POVNagising ako nung may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang mukha ng lalaking mahal ko. Yakap namin ang isa't isa.
Napatingin ako sa bintana at umaga na!? Ang haba ng tulong namin ni Ian. Tumingin ulit ako kay Ian na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hinawi ko ang buhok niyang tumatama sa kilay niya. Tao pa ba si Ian? Ang gwapo niya! Perfect na perfect pa ang kilay niya, matangos na ilong at kissable lips. My ghad!
Hinaplos ko ang pisngi niya papunta sa kilay niya. Man, how I love this man in front of me. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya, napakunot naman ang noo niya kaya napangiti ako. Hinalikan ko naman ang ilong niya, hindi parin siya gumising.
Napangiti nalang ako tsaka ko dinampian ng halik ang labi niya. Humigpit ang yakap niya sakin, kaya alam kong gising na siya.
"Don't tease me love." Bulong niya. Nakapikit parin ang mga mata niya kaya, tumawa naman ako ng mahina.
"Good morning love." bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Napamulat naman siya ng mata at nginisian ako.
"You're such a tease baby." nakangisi niyang sabi. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Dahil sa ginawa ko hinalikan niya ko sa labi. Pumaibabaw naman siya sakin at niyakap ko siya sa batok niya.
"Breakfast in bed." bulong niya habang hinahalikan ako. Naramdaman ko pa siyang ngumisi.
Ako ang unang bumitaw dahil kinakapos na ko hininga. Hinalikan niya muna ang noo ko bago siya tumingin sa mga mata ko.
"You're my favourite food." nakangisi niyang sabi at pinisil ang ilong ko. Inirapan ko naman siya na ikinatuwa niya.
"Tara na nga. Gutom na ko." Sabi ko at tinulak siya paalis sa ibabaw ko. Tumayo ako at pumasok sa C.R. Dun na ko nagsisisigaw ng walang boses dahil sa kilig! My ghad! Kinikilig ako!
Pagbaba namin ni Ian nandun na sila Tita. Agad na napangisi si Tito samin nung nakita niya kami. Mali na naman ata ang iniisip ni Tito.
"There's the lovebird." Nakangisi niyang sabi. Napalingon naman samin ang mga nandun dahil sa lakas ng boses ni Tito.
"Wala naman nabuong baby bird diba?" biro ni Tito. Namula na naman ata ako dahil sa sinabi niya. Napangisi lang si Ian sa daddy niya at umupo na kami.
"Kamusta ang tulog mo hija? Hindi ka naman pinagod ng anak ko?" Gulat kong nilingon si Tito dahil hindi ko na naman inaasahan ang sinabi niya.
"Sweetheart ! Tumigil ka na nga sa mga kalokohan mo. Yan, pagpasensyahan mo na ang Tito mo at may tupak yan." seryosong sabi ni Tita. Pinigilan kong hindi matawa dahil hindi ako makapaniwalang sinabihan ni Tita si Tito na may tupak siya.
"Mahal mo naman." Nakangising sabi ni Tito at pinisil ang pisngi ni Tita. Nairita naman si Tita at sinamahan ng tingin si Tito. Alam ko na kung saan nagmana si Ian sa pagpisil. Napailing-iling nalang ako. Like father like son.
Nag-aasaran pa sila Tita at Tito. Parang silang teenage couple dahil sa mga inaasta nila, ang cute nila. Tumatawa naman si Sina habang pinapanood ang magulang niya, pati si Ian.
Alam mo naiinggit ako sa pamilya ni Ian. Dahil ang saya nila, parang wala silang problema. Makikita mo talagang close na close sila sa isa't isa. Paano kaya kami ng totoo kong mga magulang? Close din ba kami? Ganito rin ba kami nung bata ako?
"Are you okay?" Natauhan lang ako nung nagsalita si Ian. Nginitian ko siya at tumango. Hinalikan niya ang sentido ko bago niya lingunin ang mga magulang niya.
"Sweetheart naman." sinusuyo na ni Tito si Tita. Hindi naman siya pinapansin ni Tita at patuloy lang siya sa pagsubo kay Sina na tumatawa na. Napangiti nalang ako sa mga magulang ni Ian.
--------------
"Hon kailangan niyo ng tumakbo, tumakas na kayo." rinig kong sabi ng lalaki. Ang lakas ng ulan at basang basa na ako.
"No, hindi ka namin iiwan." naiiyak na sabi ng napaka pamilyar na boses. Ang labo ng paligid. Hindi ko makita ang itsura ng babae at lalaking nasa harapan ko.
"Grace makinig ka sakin. Kahit anong mangyari laging mong tatandaang mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin." Sabi ng lalaki.
"Sergio, pakiusap. Wag mo kaming iwan ng mga anak mo." Sabi ni Grace. Naiiyak narin ako sa mga naririnig ko. Ang sakit sakit sa dibdib ko na mapanood ang pangyayaring ito. Hindi ko marinig ang ibinulong ni Sergio kay Grace.
Lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko. "Always remember that I love you so much baby and your brother." bulong niya sakin at hinalikan ang noo ko. "Take care of your mommy for me baby." yun ang huling sinabi niya sakin bago siya tumakbo papalayo sakin.
"Daddy!" sigaw ko habang umiiyak ako.
---------------
"daddy---No!" sigaw ko. Patuloy ko parin siyang pinapanood palayo samin. Hanggang dumilim na ang lahat at wala na kong makita.
"Dad! No! No! Dad!---"
"Hey. Hey. Hey." Agad akong nagmulat ng mata nung may gumising sakin. Napatingin ako sa mga mata ni Ian pero nanlalabo ang mga mata ko dahil umiiyak nanaman ako. "Ssshhh. It's okay. I'm here love." Niyakap niya ko at paulit-ulit niyang binubulong yun sa tenga ko.
"I-Ian n-napanaginipan ko ang daddy ko." naiiyak kong sabi. Panay ang haplos niya sa buhok ko para pakalmahin ako. Pero hindi kumakalma ang puso ko.
"Ssshhh." Napayakap nalang ako sa braso niya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Nasa tabi ko lang siya habang umiiyak ako, hindi ko namalayang nakatulog na ko dahil sa kakaiyak.
Paggising ko sa umaga mag-isa lang ako sa kwarto. Tumayo na ko at pumunta sa C.R para mag sipilyo at maghilamos. Pagkatapos kong magsipilyo at maghilamos tumingin ako sa salamin. Namumula ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.
Napahawak ako sa sink at inalala ang napanaginipan ko kagabi.
'Sergio'
Yun ang pangalan ng daddy ko. At may kapatid ako? Bakit hindi ko siya nakita sa panaginip ko? At bakit siya tumakbo palayo samin ni mommy at iniwan kami dun? Yun ba ang gabi kung saan nakita ko ang lalaking may hawak ng baril!?
Natauhan lang ako nung may kumatok sa pinto. Dahan-dahan ko yun binuksan at napatingin sakin si Ian.
"Hey." malambing niyang sabi. Tipid ko siyang nginitian at nag-iwas ng tingin.
"How are you?" Tanong niya. Tipid ko ulit siyang nginitian.
"I'm good." maikling tugon ko. Lumabas na ko sa C.R. at lumapit sa kanya. Hindi na ko nagulat nung bigla niya kong yakapin ng mahigpit. Mahigpit ko naman siyang niyakap at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"I love you." bulong niya sakin at hinalikan ang ulo ko. Mas lalo ka siyang niyakap at tumingala para magtama ang tingin namin. I smiled at him and tiptoed to give him a kiss on the lips.
I'm so really lucky to have Ian in my life. Siya ang pinakamagandang dumating sa buhay ko.
"I love you so much love." I whispered and hugged him tightly. He hugged me tightly too and kissed my head.
Wala mang kasiguraduhan na kami hanggang dulo. Pinapangako ko na siya lang ang huling iibigin ko.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued.....
Not edited yet.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...