Chapter 37

53 4 1
                                    




Eya's POV


Kasalukuyan akong nakatingin sa cellphone ko, hinihintay ang reply ni Lai sakin. Tinanong ko kasi siya kung nasan na sila ni Sean, hindi pa siya nagre-reply. Umalis naman saglit si Ian para magpalit ng damit niya.

Pinatay ko na ang phone ko at pinatong sa lamesa tsaka ako tumingin sa labas. Sunset na, malapit ng mawala ang araw kaya magdidilim na mamaya.

Napalingon ako sa phone ko nung tumunog yun. Agad ko naman yun kinuha dahil baka si Lai yun at tama nga ko nagreply na siya.


From: Lai


Nasa mall pa, tapos ka na ba?


Received

Agad ko naman siyang nireplayan.


To: Lai


Hindi pa, wag niyo na ko sunduin. Magpahatid ka nalang kay Sean delikado sa daan kung mag-isa ka.


Send

Agad naman siyang nagreply sakin.


From: Lai


Sure ka? Kasi manunuod pa kami ng sine tsaka kakain ng dinner.


Received

Aba ang haba ng date nila ah! Tuksuhin ko nga mamaya tong si Lai. Sa wakas magkaka-boyfriend na siya!


To: Lai


Oo, sure ako. Mag-enjoy na lang kayo ni Sean


Send


Hindi na ko nireplayan ni Lai kaya pinatay ko na ang phone ko. Sakto naman bumukas ang pinto at bumungad agad si Ian. Nakapagpalit na siya at mukhang kaliligo niya lang dahil basa ang buhok niya. Nakasuot siya ng grey pants tsaka hoodie. Ang init-init nakahoodie siya.

"Are you hungry?" Tanong niya. Ba't mas lalo siyang guwapo ngayon basa ang buhok niya!?

"Oo." maikling tugon ko. Kanina pa ko gutom, kaninang na sa gym kami.

"Let's go downstairs." tugon niya, tumango naman ako tsaka tumayo. Nung nakalapit na ko sa kanya hindi ko inaasahang hahawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami pababa.

Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay. Pero na-distract ako dahil naamoy ko ang pabango niya. Ang bango! My ghad! Nakaka-addict!

"Umupo ka muna." Sabi niya at tinuro ang silya. Tumango naman ako tsaka umupo, pumunta naman siya sa kusina.

"Hindi mo ba kailangan ng tulong?" Tanong ko. Nakakahiya naman kung hindi ko siya tutulungan.

"No it's fine." rinig kong tugon niya. Napabuntong-hininga nalang ako tsaka hinintay siya.

Nung dumating na siya may kanin at ulam na siyang dala. Umalis ulit siya para kumuha ng mga pinggan, kubyertos, at baso.

"Sisimulan mo na ba ko turuan ngayon?" Tanong ko. Kumakain na kami ngayon, kanina pa kami tahimik kaya nagsalita na ko para hindi awkward.

"Well, I already teached you the first lesson." Nakangisi niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Kailan? Wala akong matandaan.

"Anong lesson?" takang tanong ko. Sumubo ako ng kanin tsaka nilingon ko.

"Kissing lesson." Nakangising tugon niya. Nabulunan naman ako sa sagot niya. Agad niya kong inabutan ng tubig, agad ko yun ininom at wala pang 10 segundo naubos ko na. Agad ko siyang sinamahan ng tingin, nakangisi lang siya.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon