Eya's POV"Alam mo, ikaw yung pangalawang taong nagsabi niya'n sakin." Nakangiti kong sabi kay Brent. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Sinong una?" Tanong niya. Nakangiti akong nagbaba ng tingin sa bola.
"Ang best friend ko." Tugon ko.
"Syempre, best friend mo si Lai eh." Tugon ni Brent. Nilingon ko naman siya tsaka napailing-iling.
"Hindi si Lai tinutukoy ko. Ang unang best friend ko." Aniko tsaka drinible-dribble ko na ang bola
"Sino?" Tanong nilang tatlo. Alam na ni Ian kung sino ang tinutukoy ko. Hindi ko sila sinagot at tumayo na. Naglakad ako papunta sa harap ng ring at drinible-dribble ko ang bola. Nilingon ko sila, lahat sila nakatingin sakin at pinapanood ako. Nginisian ko sila nung may naiisip ako.
"Pag na shoot ko to libre niyo ko ha." aniko. Gutom na kasi ako eh, kanina pa kaya yun ang unang pumasok sa utak ko.
Hindi ko na sila hinintay sumagot at tumingin na sa bola tsaka ko yun sinalo at naghanda ng i sho-shoot ko. At nung tumalon ako sabay kong binato ang bola papunta sa ring.
PASOK!
"Paano ba yan libre niyo ko." natatawang sabi ko sa kanila. Napangisi lang sila at pinanood ako.
Tumakbo ako papunta sa bola at drinible-dribble ulit yun. Tsaka shinot ko ulit. 3 points!
Madali lang pala ang basketball eh! Kering-keri ko. Baka matalo ko pa tong apat. HAHAHAHA! Joke.
Kanina pa ko naglalaro, habang pinapanood lang nila ko. Saan na ba yung magtu-tutor sakin!? Baka naman umuwi na? Tsaka sino kaya hinihintay ng apat na to? Hindi ba dapat na sa practice sila? Sa pagkakaalam ko nasa kabilang gym nagpra-practice ang basketball ngayon eh.
Isho-shoot ko na sana ang bola kaso tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman yun sa bulsa at nag-text sakin si Sean.
From: Sean
Uuwi ka na ba?
Received
Binaba ko ang bola para mareplayan ko si Sean.
To: Sean
Not yet, kailangan kong makilala ang tutor para sa math competition
Send
Ang tagal naman kasi ng tutor ko. Kung pupunta kaya ako sa office nila Sir Lazar para tanungin ulit siya kung nasan na yung tutor ko. Hay naku bahala na, hihintayin ko pa siya for 15 minutes. Kung hindi siya dadating i i-email ko nalang si Sir Lazar na hindi ko nakilala ang tutor ko sa math ngayon. Meron pa naman bukas eh.
From: Sean
Tell me kung tapos ka na susunduin ka namin ni Lai
Received
So magkasama pa sila hanggang ngayon? Meron bang namamagitan sa kanilang dalawa? Nagkibit-balikat nalang ako. Asan kaya sila? Nag-date ata sila? Istorbo lang ata ako kung sasabihin kong uuwi na ko after 15 minutes. Wag ko nalang kaya sabihin sa kanila? Oo, wag na. Maabutan ko pa naman ang huling bus, hahayaan ko nalang silang magsaya. Malay mo magkadelopan sila. HAHAHA.
Hindi ko na nireplayan si Sean at binalik ang phone ko sa bulsa ko. Pinulot ko ulit ang bola at naplingin ako sa apat. Natigilan nalang ako at napaatras nung nasa harapan ko na pala at ang lapit ng mukha ni IAN! Agad akong nag-iwas ng tingin at lumayo sa kanya.
"A-aalis na kayo?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman ang tatlo habang nakatingin lang ng seryoso sakin si Ian. Nung problema nanaman ng dragon na to?
"Paano yung hinihintay niyo?" Takang tanong ko. Baka wala narin silang pasensiya sa paghintay kaya uuwi na sila. Uuwi narin kaya ako? Baka kasi pag-umalis sila dito, lalabas na ang batang multo.
"Ikaw." Tugon ni Ian. Kunot noo ko siyang tignan. Ako? Ah, yung hinihintay ko ba ang ibig niyang sabihin?
"Parang hindi rin darating ang hinihintay ko eh." Tugon ko sabay kibit balikat. Hay naku sinayang ko lang oras ko, dapat malapit na ko sa apartment namin ngayon. Or di kaya nakasama ako kina Lai, pero ayokong maging third party.
"What I mean is ikaw ang hinihintay namin." tugon ni Ian. ako? Ba't naman nila ko hinihintay? Ano nanaman ba kasalanan ko sa kanila? Wala naman akong naaalalang ginawa ko sa kanila ha!? Hindi ko na kaya sila nakikita at nakakausap!
"A-ako?" Turo ko sa sarili ko. "B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.
"Hindi ba sinabi sayo ni Sir Lazar?" Tanong sakin ni Cyjan. Napalingon naman ako sa kanya tsaka umiling.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Hindi mo talaga alam?" Napalingon naman ako ngayon kay James. Nasa bulsa ng pants niya ang kamay niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Magtatanong ba ko kung alam ko?" Irita kong tugon sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sakin.
"Hindi niya ba talaga sinabi sayo Sun?" Ngayon naman nilingon ko si Brent at kinunutan ng noo.
Ba't ba paulit-ulit ang tanong nila!? Hindi pa ba malinaw na hindi sinabi sakin ni Sir Lazar ang tinutukoy nila!? Kailangan pa talagang ulit-ulitin!? Kung magtatanong mamaya si Ian hindi na ko makapagtimpi at batukan ko tong mga dragon na to!
"Paulit-ulit!? Sinabi ng hindi eh!" Inis kong tugon sa kanya. Napangisi lang siya saking at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Inirapan ko siya at tumingin kay Ian.
"Ano!? Magtatanong ka din kung sinabi ba sakin ni Sir o hindi!?" Inunahan ko na siya. Nakakainis naman tong magkakaibigan! Paulit-ulit ang sinasabi, walang kwentang kausap!
"Ano ba kasi yun?" Kahit naiinis ako curious din ako kung anong meron. Ano kaya sinabi ni Sir sa mga to?
Napaatras ako nung lumapit si Ian sakin. Hawak ko parin ang bola sa dalawang kamay ko. Eto nanaman ang puso ko! Bumibilis nanaman! Nasa bulsa ng pants din niya ang mga kamay niya. Yumuko siya para magpantay kami tsaka niya ko nginisian.
"You're going to be stuck with me for the next 2 months." Ngising sabi niya.
What!? Siya ang magiging tutor ko!?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued.....
Nit edited yet.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomantizmBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...