Chapter 38

47 3 0
                                    




Eya's POV


Ngayon araw na to ang Intrams! Excited na ang lahat, marami narin mga booth sa feild. Marami din na ka costume na pag horror dahil may horror booth. Kasalukuyan akong tumutulong sa booth ng kaklase ko. Mga pagkain ang tinda nila. Buti nalang hindi kami magu-uniforms ngayon. Nakapantalon ako tsaka tank top.

"Eya, dito mo na lang ilagay yan." sabi ng kaklase ko. May hawak akong upuan, nilagay ko naman yun kung saan niya gusto.

"Eya!" Napalingon ako sa likod ko nung may tumawag sa pangalan ko. Tumatakbo ngayon si Leah, Kate, at Lai papalapit sakin.

"Hi." Bati ko sa kanila nung nakalapit na sila. Naka suot ng short at jersey pagbabae sila Leah at Kate dahil may laban sila mamaya sa volleyball.

"Para sayo daw." Nakangiting sabi ni Leah sabay bigay sakin ng tatlong rosas. Nangunot naman ang noo kong tumingin sa rosas. Pag-angat ko ng tingin sa kanila nanunukso na ang mga itsura nila.

"Kanino galing?" Takang tanong ko sabay kuha sa rosas sa kamay ni Leah. Agad ko yun inamoy at napangiti ako nung maamoy ko ang bango nito.

"Kanino pa edi sa manliligaw mo." kinikilig nilang sagot. Sabay-sabay pa talaga ha. Napabuntong-hininga naman ako tsaka umirap.

"Ghurl wag ka na kasing magtampo sa kanya." sabi ni Kate sakin, lumapit pa siya sakin at inakbayan ako.

"Oo nga ghurl, kawawa naman si Ian." Nakangusong sabi naman ni Leah.

"Hay naku, dapat lang matuto siya." Sabi naman ni Lai. Nag-apir naman kami kasi sang-ayon ako sa kanya.

Naging okay naman kami ni Ian. Marami nadin may alam na nililigawan niya ko. Palagi kaming kumakain ng lunch, minsan hatid sundo niya ko. Palagi niya din ako hinahatid sa classroom ko kahit sabi ko wag na. Palagi niya din akong binibigyan ng bulaklak at mas nagiging clingy siya pang kami lang dalawa.

Okay na sana eh, kaso galit ako sa kanya. Paano ba naman kasi, sinuntok niya ang lalaking kapartner ko sa science. Nagseselos daw kasi siya dahil nginingitian ko ang ibang lalaki. Ano gusto niyang gawin ko!? Sungitan sila!?  Si Ms. Blint kasi ang pumili ng grupo namin kaya hindi si Lai ang partner ko.

Nang dahil kay Ian na ospital ang lalaking yun dahil may pasa siya sa mukha at nahimatay dahil sa lakas ng suntok ni Ian sa kanya. Nalaman ko kahapon na pumunta daw si Ian sa ospital para mag-sorry sa lalaki, kaya okay na daw sila.

Pero galit parin ako sa kanya dahil sa nangyari. Kaya eto, sinusuyo niya ko kaso ginagamit niya nag ibang tao para suyuin ako. Ang taray ng manliligaw ko diba!? Hindi niya talaga alam manligaw! Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya na dapat siya ang sumuyo sakin at hindi ibang tao!? Maarte na kung maarte walang akong pakialam.

"Papatawarin ko lang siya kung siya mismo ang magbigay sakin ng mga bulaklak na binibigay niya." tugon ko sa kanila. Napatango-tango nalang sila.


----------------


Kakatapos lang ng game nila Leah at Kate at nanalo sila!

"Congrats guys! Ang galing galing niyo!" sabi namin n Lai kina Leah at Kate nung nakalapit na sila sakin.

"Salamat ghurl!" Tugon nilang dalawa.

Pinagdesicion namin na kumain na dahil mamaya pa naman ang basketball. Kahit nagtatampo parin ako sa kanya, gusto ko parin siyang suportahan sa laro niya. Manonood nalang ako at hindi magchi-cheer. Nahihiya din kasi akong sumigaw ng 'go Ian!'

"Huy miss mo na ba?" Nag-angat ako ng tingin kay Lai nung tanungin niya yun. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno at kumakain kami.

"Sino?" tanong ko. Kunwaring hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko tsaka kumain.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon