Author's Note: Guys this book is only Eya's POV or Third Person's POV. Walang POV ng ibang characters dito sa book na to. Pero baka magbago isip ko. I'll just let you know kung sinong POV ang binabasa niyo. Thank you.
---------------------------------
Eya's POV
"Baby halika rito." masayang sabi ng isang babae. Hindi ko makita ang itsura niya dahil malabo ang paligid at ang itsura niya.
Ngunit kita ko ang mahabang buhok nito, nakasuot ng puting dress at walang sapin sa paa. Nag-baba ako ng tingin sa lupa. Naka tayo ako ngayon sa basang buhangin at nababasa ng alon ang mga paa ko.
"Hon, let's go." napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ng babae. Hindi ko rin makita ang itsura niya dahil malabo ang lahat.
"Yes hon, eto kasing si bunso ayaw na umalis sa tubig. Baby, let's go babalik tayo mamaya dito sa dagat okay?" lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko. Napatango naman ako at ngumiti, hinawakan niya na ang kamay ko at naglakad na kami paalis dun sa baybayin.
---------------------
Minulat ko na ang mga mata ko, hinawakan ko ang pisngi ko nung maramdaman kong basa ito. Umiiyak ako? Bakit? Sino ba yung mga napapanaginipan ka lagi? Same peron ang palagi kong nakikita sa panaginip ko. Pero hindi ko makita ang itsura ng babae. Yung babae ang palagi kong napapanaginipan.
Sino ba siya?
"Jusko, Yanyan gumising ka na dahil baka nakakalimutan mong first day ngayon at baka malate tayo!" sigaw ng kaibigan ko nung pumasok siya sa kwarto ko.
Eya ang pangalan ko short for Anila. Mga kaibigan ko lang ang tumatawag saking Yanyan.
"Ang aga pa eh!" reklamo ko sabay taklob sa kumot. Umirap pa ko sa ilalim ng kumot.
"Anong maaga pa!? Mag bu-bus tayo remember? Kung may sasakyan lang tayo edi sana hindi tayo maaga. Let's go chap chap! We need to go!" sigaw niya ulit sabay sara sa pinto ng kwarto ko.
Alam mo yung gusto mo ng tahimik at payapang umaga. Yung ine-enjoy mo yung masarap ng hangin ng umaga, yung masaya mong tanggapin ang init ng araw. Yun yung gusto ko eh! Pero hindi ko payun naranasan dahil sa kaibigan kong yun! Kay aga-aga ang ingay niya!
Wala na kong nagawa kundi bumangon na sa kama ko dahil ayoko naman malate ,first day of school ngayon. Hindi pa kami mag u-uniforms ngayon kaya pwede akong magpantalon. Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ko para kumain ng almusal.
Nagluto si Laira ng tuyo at itlong. Tamad akong umupo sa harapan niya at pinagmasdan ang pagkain. May kulang eh!
"Lai, asan yung kamatis?" tanong ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinaasan niya ko ng kilay.
Lai naman ang tawag ko sa kanya, pero ang totoong pangalan niya ay Laira.
"Wala na tayong kamatis, hindi pa tayo nakapag grocery." tugon niya. Kumuha siya ng itlog at nilagay sa plato niya tsaka siya uminom ng kape.
"Humingi nalang tayo sa kapit bahay." suggest ko. Kumunot naman ang noo niyang tumingin sakin.
"Wag na! Ang dami mong arte, kumain ka nalang dahil mala-late na tayo!" sigaw niya ulit. Inirapan ko naman siya at kumain na.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...