Author's Note: Etong chapter na to ay tungkol sa mga nawalang ala-ala ni Eya.Guys baka maguluhan kayo kasi gagamitin ko ang totoong pangalan ni Eya dito. So ang totoong pangalan ni Eya is...
Vida Blair Aviana or Vida
----------------------
Third Person's POV
17 years ago (Eya/Vida is 2-years-old)
Nasa baby room ngayon sina Grace at Vida. Dalawang taong gulang palang si Vida, nakaupo ngayon siya sa baby mattress katabi niya si Grace na may hawak na krayola.
"Baby what color is this?" tanong ni Grace kay Vida. Hawak niya ngayon ang color blue na krayola.
"Blue!" masiglang tugon ni Vida.
"Ang galing naman ng baby ko. What about this?" Tanong ulit ni Grace at pinakita kay Vida ang kulay yellow na krayola.
"Y-Yeyow." Sagot ni Vida na ikinatawa ni Grace. Natawa din si Geni dahil tumatawa ang kanyang ina. Pinisil ni Grace ang pisngi ni Vida.
"Hindi yeyow anak, Ye-llow." turo ni Grace kay Vida.
"Yeyow!" ulit ni Vida.
"Grace." Tawag ng asawa ni Grace na si Sergio. Pumasok siya at agad na napangiti si Sergio dahil sa kanyang nakikita.
"Hon?" tugon ni Grace sa asawa. Lumapit sa kanila si Sergio at hinalikan si Grace sa noo, pati ang anak na si Vida.
"Dada!" masiglang sabi ni Vida at tinaas ang dalawa niyang kamay para magpabuhat sa kanyang ama. Binuhat naman siya ni Sergio kaya tumayo na si Grace.
"I love you baby." bulong ni Sergio kay Vida na ikinatuwa nito.
--------------------------
Little Vida's POV
3 years later (Eya/Vida is 5-years-old)
Nagising ako nung maramdaman ko ang mga halik sa pisngi ko. Agad akong nagmulat ng mata at tumambad sakin ang pinakamahal kong mommy.
"Good morning baby!" My mom showered me kisses again that made me giggled.
"M-Mommy tickles---hahaha---Mommy that tickles." natatawang sabi ko habang hinahalikan ako ni Mommy sa leeg.
"Hon, tama na yan. Good morning baby." I immediately smiled when I saw dad approached us and kissed my mom on the head before he carried me.
"Good morning daddy." bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Hinalikan niya naman din ako sa magkabilang pisngi ko.
"Ako baby walang morning kiss?" nagtatampong sabi ni Mommy. Tumayo si mommy at lumapit samin ni Daddy. Agad ko naman siyang niyakap at hinalikan sa buong mukha niya.
"Wow. ang sweet sweet naman ng baby ko." nakangiting sabi ni mommy at kinuha niya ko kay Daddy at siya na ang nagbuhat sakin.
"Tara na para makapunta tayo sa beach ng maaga at baka naiinip na ang isa pa natin anak sa baba." sabi ni Daddy. Bumaba na kaming tatlo, buhat-buhat parin ako ni Mommy.
"Kuya!" sigaw ko nung makita ko si kuya sa dining table mag-isa habang naglalaro siya sa kanyang ipad. Agad niya naman yun pinatay at ngumiti sakin. Binaba na ko ni Mommy kaya tumakbo ako papunta kay kuya at niyakap siya.
"Good morning princess." bati sakin ni Kuya at hinalikan ang ulo ko.
"Good morning kuya!" bati ko pabalik sa kanya. Kuya is 1 year older than me, his name is Gravin Sean Aviana. He likes to be called Sean not Gravin.
"Good morning son." Binati siya ni Mommy at hinalikan si Kuya Sean sa noo.
"Morning Mommy." bati niya kay Mommy.
Nagsimula na kaming kumain ng breakfast. Binilisan ko talagang kumain dahil excited na ko ngayon! Pupunta kasi kami sa beach, I love the sea! When I grow up I want to be a mermaid like Ariel! She's my favourite Princess!
---------------
Pagdating namin dun sa resort agad kaming pumunta ni Mommy sa tabing dagat. Agad akong naglaro sa tubig pero sabi ni Mommy hindi pa daw ako pwedeng lumangoy kaya paa ko nalang ang binasa ko.
"Baby let's go babalik tayo mamaya." sabi ni Mommy.
"Mommy let's stay here for 5 more minutes please." Pakiusap ko kay Mommy.
"Hon, let's go." Napalingon kami kay Daddy.
"Yes hon, eto kasing si bunso ayaw na umalis sa tubig. Baby, let's go babalik tayo mamaya dito sa dagat okay?" Lumapit sakin si Mommy at hinaplos ang buhok ko. Napalingon ako sa paa ko tsaka muling tumingin kay Mommy, tumango ako.
KINABUKASAN
Kakatapos naming kumain ng breakfast. Nasa tabing dagat naman si kuya may kasamang batang lalaki. Palagi kong nililingon ang batang lalaking kasama ni kuya. I want to be friends with him but I'm shy. He has the most beautiful eyes I've ever seen.
"Baby come here." Napalingon ako kay Mommy nung tinawag niya ang pangalan ko. Binitawan ko naman ang hawak kong doll at lumapit kay Mommy.
"Greet your tita baby." sabi ni Mommy sakin sabay turo kay Tita Stella. Dalawang beses ko palang nakikita si Tita Stella, ngayon ang pangalawa. Lumapit naman ako kay tita at hinalikan niya ko sa pisngi.
"How are you little Grace? Miss mo ba si tita?" Tanong ni Tita Stella. Nginitian ko siya tsaka ako tumango. Nilingon ko si Mommy at nilapitan siya.
"Wait may ipapakilala ako sayo hija." Sabi ni Tita Stella. "Son, come here. I want you to meet someone." Tawag ni Tita Stella sa batang lalaking kalaro ni kuya. Hindi ko alam kung bakit tumitibok ng ganito tong puso ko. Do I have a heart problem?
Tumakbo ang batang lalaki papalapit samin at lumapit siya kay Tita Stella. Anak siya ni Tita? Alam kong may anak si Tita Stella pero first time ko siyang makita ngayon.
"Son, I would like you to meet the girl that I always talk about." Tita Stella said to the little boy. Napalingon sakin ang batang lalaki at nginitian.
"Hi." bati niya sakin at inilahad niya ang kamay niya. Nahihiya ko naman yun tinanggap.
"H-Hi." bati ko sa batang lalaki.
"You're so beautiful, you have beautiful eyes like tita Grace." Sabi ng batang lalaki. Tumingala naman ako kay Mommy at nginitian ako.
"Someday I will marry you." Tuloy ng batang lalaki. Nagtawanan naman sila Mommy at Tita Stella.
"Really son?" tugon ni Tita Stella . Tumango naman sa kanya ang batang lalaki. "Well since birth engaged na kayo." Tuloy ni Tita Stella. What is engaged?
"You want to marry him too baby?" Napatingala ako kay Mommy nung tanungin niya ko.
"Yes Mommy!" masaya kong sagot, muli silang nagtawanan ni Tita Stella.
Muli kong tinignan ang batang lalaki at nginitian. Ginantihan din niya ko ng ngiti.
"I'm Baste." Pakilala niya sa sarili niya at inilahad muli ang kamay niya Nginitian ko ulit siya at masayang tinanggap ang kamay niya.
"Vida." pakilala ko sa sarili ko. Muli niya kong nginitian ng napakatamis.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued.....
Not edited yet.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...