Eya's POVWaaaaaah! Nagsisisi na kong pinili ko si James! Ang intense ngayon sa loob ng sasakyan niya. Walang nagsasalita saming dalawa. Wala din music kaya mas awkward! Palagi ko siyang sinusulyapan, nasa daan lang ang paningin niya.
Anong gagawin ko!? Ayoko ng awkward situation! Anong sasabihin ko? Kung purihin ko kaya siya sa galing niya sa basketball? Ang stupid naman yun. Hindi nga ko nanood kanina eh, hindi ko alam kung gaano siya kagaling.
Napalingon ako sa sasakyan na nasa tabi ng kotse ni James. Nanlaki ang mga mata ko nung si Brent yun kumakaway samin. Nakashade pa siya talaga ha ang taray. Binaba niya konti ang shade niya at kinindatan niya ko. What the heck!?
Napalingon naman ako kay James nung bigla niya nalang bilisin ang pagtakbo ng sasakyan niya kaya nalagpasan namin si Brent pati yung dalawa.
"WAAAAH!" sigaw ko, mahigpit kong hinawakan ang seat belt ko. Ba't ba gusto-gusto nilang patakbuhin ang sasakyan nila ng mabili!? Gusto ba nilang magpakamatay!? Wag niyo kong idamay okay!? Gusto ko pang mabuhay!
"IHINTO MO YUN SASAKYAN!" sigaw ko, agad naman niyang pinatakbo ng mabagal ang sasakyan niya. Hinahabol ko ang hininga ko, nag-sasayaw na sa kaba ang puso ko!
"We're here." Rinig kong sabi ng loko kong katabi. Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng Jollibee dahil natulala ako kanina. Parang naiwan ang kaluluwa ko sa kung saan. Baka naligaw na ang kaluluwa ko dahil sa lalaking to!
"Hey." Tawag sakin ni James. Agad ko siyang sinamahan ng lingon, kumunot naman ang noo niya. Hindi malaman kung bakit ganun ako makatingin sa kanya. Hindi ko na siya pinansin at agad na bumaba sa sasakyan niya.
Mas mabuti talagang mag-jeep kay sa sumakay sa kanila. Kung sa jeep mabastos ka lang at manakawan. Pero sa apat na dragon na to...Langit agad ang punta mo, kung mabait ka.
"Bro ang bilis mo kanina." Natatawang sabi ni Brent kay James. Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa loob.
"Nung problema nun?" Rinig kong tanong ni Brent. Hindi naman sumagot si James, sa tingin ko nagkibit balikat siya.
Agad akong naghanap ng upuan na pang-isa lang kaso wala naman. Wala na kong nagawa kundi umupo kasama sila. Nung umupo sila kung saan ako nakaupo hindi ko sila pinansin. Asan na kaya yung kaluluwa ko? Hindi ko pa maramdaman sa katawan ko ang kaluluwa ko eh.
"Kami na ni Cy ang mag-oorder anong gusto niyo?" Rinig kong sabi ni Brent. Hindi ko sila pinansin, nakatulala lang ako sa lamesa.
"Yung dati." sagot naman ng katabi ko. Si Ian ba yun?
"Ako rin." sagot naman ni James na parang nanggaling ang boses niya sa harapan ko.
"What about you Sun?" rinig kong tanong ni Brent. Sun? Ako bayun tinatanong niya? Teka lang hindi pa bumabalik kaluluwa ko. Mamaya mo na ko tanungin.
"Sun?" Ulit ni Brent. Dun na ko natauhan at nilingon siya.
"H-ha?" takang tanong ko sa kanya. Napalingon ako sa katabi kong hari ng dragon, kunot ang noo niyang nakatingin sakin. Katabi niya naman si Cyjan na nagtataka din ang tingin. Kaharap naman ni Ian si Brent at katabi naman ni Brent si James. Agad kong sinamahan ng tingin si James nung nagtama nag tingin namin.
"Sun?" napalingon ako kay Brent na nagpapalit palit ang tingin niya sakin at kay James. "Ano bang nangyari sainyo sa kotse at naging ganyan ka?" tanong ni Brent, hindi ko siya sinagot.
"Anong ginawa mo J.R?" Tanong ni Cyjan sa kanya.
Magsasalita na sana si James nung bigla akong tumayo kaya napatingin silang lahat sakin. Anong ginagawa niya dito? Agad na nagtama ang tingin namin nung pumasok siya sa loob ng Jollibee, kahit naka sunglasses siya alam ko kung sino siya. Tinanguan niya ko at tinuro ang washroom gamit ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...