Eya's POV"Wala pa ba sundo mo?" napalingon ako kay Lai na pababa sa hagdan. Umiling ako sa kanya at tumingin sa phone ko.
"Malapit na daw siya." tugon ko.
Ngayon kami pupunta ni Ian sa Batangas. Wednesday ngayon at wala kaming pasok hanggang Monday. 3 days daw kami dun, 2 nights at uuwi kami the next day ng maaga.
BEEP! BEEP!
Napalingon ako sa bintana at natanaw ang sasakyan ni Ian. Tumayo na ko at kinuha ang maleta ko.
"Aalis na ko bes." paalam ko kay Lai na nagtitimpla ng kape.
"Sige, mag-iingat kayo. Pasalubong ko ha." Sabi niya sabay kindat. Nginitian ko naman siya at kumaway palabas.
Agad akong sinalubong ni Ian ng yakap at hinalikan ako sa noo.
"How are you my love?" malambing niyang tanong. Nginitian ko naman siya.
"I'm okay, ikaw?"
"I'm okay now, dahil nandito ka na." sagot niya sabay kindat. Namula naman ang pisngi ko dahil KINILIG AKO!
"Kumain ka na ba?" Tanong niya sakin nung in-start niya na ang sasakyan.
"Oo, ikaw?"
"Yes." maikling tugon niya at umalis na kami dun.
Tahimik lang kami ni Ian, hawak niya ang kamay ko at nakatingin lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. I'm so lucky to have him in my life. I couldn't imagine life without him. Napakaswerte ko dahil siya ang binigay ng tadhana sakin.
"Yan stop staring, you're distracting me." Nakangisi niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko dahil sasinabi niya. Paano ko siya dini-distract? Nakatingin lang naman ako sa kanya ha.
"Ang gwapo mo kasi." bulong ko kaso narinig niya kaya tumingin siya sakin at mas lalong ngumisi. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.
"I know." sabi niya sabay kindat. Napailing-iling nalang ako. Hindi lang pala ako nakabingwit ng selosong boyfriend. Mayabang din pala.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ng mga mata ko, tumambad sakin ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko, nasa isang kwarto na ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga at napalingon ako sa sliding door sa side. Napanganga nalang ako dahil ang ganda ng tanawin. Ang ganda ng dagat! Pag nakakakita ako ng dagat ang saya-saya ko.
Bigla kong naalala ang panaginip ko tungkol kay Grace. Nung nasa dagat kami. How I wish kasama ko ang totoo kong pamilya ngayon.
"Love?" Napalingon ako sa pinto nung marinig ko ang boses ni Ian. Nginitian ko siya at lumapit naman siya sakin.
"Ba't hindi mo ko ginising." tugon ko, umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
"Ang sarap ng tulog mo eh." natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya at nginitian.
"Tara na, kakain na tayo." sabi niya at tumayo na. Inalalayan niya naman akong tumayo.
Pumasok muna ako sa C.R. para mag-ayos, nasa labas naman si Ian hinihintay ako. Mamaya nalang ako magpapalit ng damit, hindi pa naman madumi tong damit ko eh.
Nung lumabas na ko sa kwarto, agad na tumayo si Ian sa pagkakaupo sa sofa. Automatic na pumulupot ang kamay niya sa bewang ko at pumunta na kami sa baba kung nasan sila Tita.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomantikBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...