Eya's POVLaro na nila Ian ngayon sa basketball. Nasa ilalim lang ako ng puno nakaupo at nakasandal sa puno.
"Yan tara na kasi, wag ka na maarte." Sabi ni Lai. Hindi ko siya pinansin, nakapikit lang ang mga mata ko.
"Oo nga, magsisimula na ang laro nila." Sabi naman ni Leah kaso hindi ko din siya pinansin.
"Eya naman eh!" iritadong sabi naman ni Kate. dun na ko nagmulat ng mata at tumingin sa kanila.
Kanina pa nila ko kinukulit na sumama sa kanilang manood ng basketball. Kaso ayoko! Ayoko siyang makita!
"Kayo nalang kasi." tugon ko sa kanila. Sumimangot naman silang tatlo.
"Alam mo ang bad mong asawa." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Leah.
"Oo nga hindi mo man lang ba susuportahan ang asawa mo?" Nalulungkot na tanong ni Leah. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Buti nga hindi kami nagtatampo sayo ngayon dahil hindi mo man la kami in-invite sa kasal mo!" Nanunuksong sabi ni Lai. Tinaasan ko rin siya ng kilay na ikinangisi niya.
Here we go again! Kanina pa nila ko tinutukso dahil sa nangyaring kasalan kanina! Pati yung ibang estudyante binabati nila kong congratulation!
"Ewan ko sa inyo." Inis kong sabi tsaka pinikit ulit ang mga mata ko.
"Sige na kasi, magtatampo ang asa--"
"Fine!" Hindi ko na pinatapos si Kate kasi babanggitin niya nanaman ang 'asawa' putanginang asawang yan!
-------------
Pagdating namin dun sa gym marami ng tao. Nakakabingi din ang mga sigawan at tilian ng mga babae. Umupo kami sa gitna dahil dun nalang ang bakante. Buti nalang may apat na bakante dun, saktong-sakto samin.
Nung lumabas na ang mga players mas lalong lumakas ang sigawan at tilian. Pati sila Lai naki sigaw din. Akala ko ba ayaw niya sa basketball? Ba't parang fangirl na fangirl na siya ngayon?
Pagtingin ko sa baba, nakita ko agad si Ian. Napalunok nalang ako dahil ang hot niya pag nakasuot siya ng jersey! Mas lalong mapapansin ang kagwapuhan niya dahil sa suot niyang jersey. Mapapansin din ang mga biceps niya! My ghad Cassy!
Napalingon si Ian sa gawi namin, mukhang may hinahanap siya. At nung nagtama ang tingin namin agad akong nag-iwas at yumuko nalang.
Pagtingin ko ulit kina Ian nagtipon-tipon na sila, kinakausap na sila ng coach nila. Sa kabilang team naman, ganun din ang nangyayari. Wala akong kilala sa kanila.
Nagsipuntahan na sa kanilang puwesto ang mga players. Pero hindi pa sila nagsisimula dahil kay Ian. Nakaupo lang siya sa bench habang kinakausap siya ng coach nila. Ano kayang problema ng dragon nayun!
"Sun." nagulat ako nung marinig ko ang boses ni Brent sa speaker. Kunot noo ko siyang nilingon sa gitna ng gym na may hawak na mic. "Magbati na kayo ng asawa mo dahil kailangan namin siya ngayon." Pakiusap ni Brent. Nakuha ko naman agad ang atensyon nila.
Napalingon ako kay Ian na nakatalikod lang sakin. Nilabas ko ang phone ko at tinext siya.
To: DRAGON
Huy! Wag ka ngang magdrama diyan at maglaro ka na!
Send
Nung na send ko yun tumingin agad ako kay Ian. Kinuha niya ang phone niya sa tabi niya at parang binasa ang text ko. Nagbaba ako ng tingin sa phone ko nung nag-vibrate ito.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
Storie d'amoreBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...