Not edited yet
Eya's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas. Palagi kaming maagang pumapasok ni Lai dahil sa dance practice namin. Late din ng uwi dahil dance practice ulit. Nawala na rin ang pasa ko sa braso ko, kaso masakit parin konti. Hindi ko narin masyadong nakikita ang apat dahil busy rin sila sa pag pra-practice. Sa math class ko nalang silang nakikita. Hindi ko narin sila pinapansin dahil umiiwas ako sa gulo at sa mga mata ng tao.
Mas lalo na si Ian, pilit kong nililimutan ang nangyari sa clinis noon pero hindi gumagana. Palagi ko lang naaalala ang nangyari! Ghad those lips---ERASE! ERASE! ERASE!
Next week na ang Acquaintance party kaya todo practice kami.
Yung kotseng itim kamo? Minsan nakikita ko pa yun sa tapat ng apartment namin ni Lai, hindi ko nga alam kung nakatira siya sa mga bahay na katabi ng apartment namin eh. Minsan nga iniisip kong magnanakaw siya kaso ang gara ng kotse niya kaya inalis ko na yun sa isip ko. Sinabi ko na rin kay Lai tungkol sa itim na kotse, sabi niya baka naman pagmamayari yun ng isang kapit bahay namin. Kaya hindi ko nalang yun pinansin.
Yung mga nag-ampon sakin, hindi narin sila dumating. Pero hinihintay ko parin sila at hindi na ko magugulat kung susulpot nalang sila kung saan saan. Pero kinakabahan parin ako at natatakot, ayoko ng bumalik sa kanila.
"Okay, pass your papers now!" sigaw ni Ms. Blint. Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko pa tapos ang sinasagot ko, kaso ito namang si teacher nagmamadali! May lakad Miss?
Pinanood lang namin si Miss habang tinitignan niya ang mga papel namin habang nakataas ang kilay niya.
"Nung problema niya?" bulong sakin ni Lai. nagkibit balikat naman ako.
"Lahat kayo ay bagsak! Ulitin niyo to bukas, pero iba na ang tanong! Dismissed." sigaw ni Miss. Nagbulungan naman at nagreklamo ang mga kaklase ko habang paalis sa classroom.
"Grabe talaga ng teacher nayun oo!" sabi ni Lai. napabuntong-hininga nalang ako.
Pagdating namin sa English agad na sumilay ang mga ngiti ng mga kaklase ko pati si Lai nung dumating si Mr. Chifo.
Napanganga din ako sa itsura niya dahil blooming si Sir, mukhang inlababo siya. Iba din ang suot niya ngayon, naka t-shirt siyang itim na naka suit jacket at suit pants. Messy din ang buhok ni Sir na mas ikinagwapo niya.
"Mukhang may date ka ngayon ah Sir!" sigaw ng lalaking nasa kabilang side ng classroom. Tawa lang ang tugon ni Sir.
"Sir!" nagtaas ng kamay ng babaeng nasa harapan ko. "Sir, may girlfriend na kayo Sir!?" tanong niya. Tumawa si Sir. My ghad ang gwapo ni Sir pag ngumingiti siya.
"We're not here to talk about my lovelife are we?" natawa nalang kaming lahat.
"My ghad bes, ito na talaga ang paborito kong subject! Ang English, kahit dudugo na ang ilong ko kerry parin para lang makita ko si Sir." bulong sakin ni Lai, at kinakilig pa.
"Tsk." Napailing-iling nalang ako sa sinabi ni Lai. Pero tama nga siya, sino ba naman kasi ang hindi papasok kung yung teacher mo ang inspiration mo. Dapat hindi na sila tumatanggap ng mga gwapong teacher eh, hindi lang makakapag focus ang mga estudyante. Kung hindi naman ganun ka gwapo wala naman ganang matuto ang mga estudyante. Kaya dapat lahat ng teacher babae nalang pero baka madistract din ang mga lalaki dahil sa ganda ng teacher. Hay naku, napakakomplekado naman ng school.
DISCUSSED
DISCUSSED
Nung nagbell na dumertso na kami ni Lai sa canteen, nakaupo na si Kate at Leah sa palagi naming inuupuan.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomantikBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...