Eya's POV"Wow...okay, sure ako na babalik din siya sayo Mr. Policarpio. Pero ngayon gabi sana hindi siya magselos kung may iba kang kasayaw bukod sa kanya. HAHAHA." tugon ng M.C. Nagtawanan naman ang lahat maliban sakin at kay Lai. hawak parin ni Lai ang kamay ko habang nanginginig ito.
"Umalis na tayo bes, inaantok na ko." bulong sakin ni Lai. Nilingon ko naman siya at nginitian tsaka tumango.
"Guys, alis na kami. Inaantok na ko eh." Sabi ni Lai kina Leah at Kate. Bigla naman silang napasimangot.
"Ang K-K.J. niyo. Mamaya nalang, patapos na din naman ang party. Malay niyo kayo ang maisayaw ni Alistair." Kinikilig na sabi ni Kate. Nagkatitigan naman kami ni Lai sa isa't isa.
"Wag na, mas gwapo pa diyan ang crush ko." Biro ni Lai pero siya lang ang tumawa. Napanguso si Leah at Kate dahil wala na talagang makakapigil samin umalis.
""Sige mag-iingat kayo." Malungkot na sabi ni Leah samin. Nginitian ko naman siya at niyakap. Nagpaalam na ulit kami ni Lai. Muli akong napalingon kay Ares na kasalukuyang nakikitawa sa M.C. Ngunit napalingon siya sa gawi ko kaya nagtama ulit ang mga mata namin.
I stared back at him, he did the same. Pero nag-iwas din ako ng tingin at tumayo na kami ni Lai.
"Okay eto na guys ang hinihintay niyo! Sino kaya ang swerteng babaeng maisasayaw ni Mr. Ares?" Kinikilig na sabi ng M.C. Nagtilian naman ang mga babae.
"Okay here we go, on niyo na ang spotlight at pumili ng magandang binibini para sa gwapong ginoong katabi ko ngayon!" Rinig kong sabi ng M.C.
"Excuse me." sabi ni Lai sa mga tao, hila niya ko. Ang daming taong nakatayo ngayon kaya siksikan at mahirap lumabas.
"Oh there is your princess tonight Mr. Policarpio." Rinig kong sabi ng M.C kasabay ng pagtigil ko sa paglakad pati si Lai. Shit! Sakin nakatutuk ang ilaw!
Napalunok ako at napapikit dahil nasakin nanaman ang atensyon ng lahat. Nagbulungan din ang mga babae, na swerte ko raw. Kung alam lang nila kung gaano ako kamalay ngayon!
"What a coincidence, she's my friend! Eya!" Minura ko na ang M.C. sa isipan ko dahil sa sinabi niya! Bakit niya sinabi ang pangalan ko!?
Hindi ko pa sila nililingon. Napatingin lang ako kay Lai nung lingunin niya ko at gulat din siya. Mukhang kinakabahan din siya sa mangyayari.
"Eya come here na." Sabi ng M.C. Dun ko na sila nilingon. Seryoso lang ang itsura ni Ares habang nakatingin sakin, habang ang lapad naman ng ngiti ng M.C. "Mr. Ares, baka gusto niyang sunduin mo siya!" Excited na sabi ng M.C. Mas lalo ko siyang minura sa isip ko at napapikit nalang para pakalmahin ang sarili ko at para hindi ako mag-walk out dito.
"May I have this dance?" agad akong nagmulat ng mata nung marinig ko ang boses niya sa harapan ko. Hindi ko man lang namalayang nakalapit na siya sakin. Paano siya nakalakad ng mabilis sa crowd!? Kanina siksikan, ngayon parang wala ng traffic!
Nilahad niya ang kamay niya. Nagbaba naman ako ng tingin dun pero hindi pa tinanggap. Ayoko ko siyang mapahiya, lalong lalo na ang sarili ko. Pero ayoko ko siyang makasayaw! Sabi ko sa sarili kahapon na iiwasan ko siya pero anong nangyayari ngayon!?
Muli ko siyang tinignan sa mga mata niyang parang nagsasalita sakin. Sinasabing kunin ko ang kamay niya. Nagbaba ulit ako ng tingin sa kamay niya at dahan-dahan ko yun hinawakan.
Nung nagangat ako ng tingin sa kanya ngumit siya sakin ng tipid at naglakad na kami papunta sa harapan. Hindi ko maiwasan sulyapan ang gawi nila Ian dahil sa hindi ko malamang dahilan ay gusto kong magpaliwanang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...