Eya's POV"Huy gising!" agad akong nagising nung buhusan nila ako ng tubig! Hinang-hina na ko dahil sa ginawa nila sakin kagabi! Puro pasa na ang katawan ko at marami din dugo ang damit!
Wala silang ginawa kundi bugbugin lang ako kagabi. Sinipa-sipa, sinampal-sampal, at pinagpasa-pasahan!
Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita, ang boss nila. Mukhang papahiraan niya muna talaga ako bago siya magpakita sakin!
Pagmulat ng mga mata ko tumambad sakin ang nakangising mukha ni Brian. Umupo ako ng maayos sa inuupuan ko. Nakatali na naman ako sa upuan, pero hindi na nakatali ang mga paa ko.
"Pinakain niyo na bato?" rinig kong tanong ni Brian sa mga kasamahan niya.
"Hindi, walang pagkain eh." rinig kong tugon ng kasamahan niya.
"Edi bumili ka gago!" sigaw naman ni Brian sa kanya. Ba't ba nila ko papakainin kung papatayin lang naman nila ko!
"Huy! Gumising ka na prinsesa dahil hapon na! Sinuswerte ka naman ata at ang dami mong tulog!" iritang sabi ni Brian. Hindi ko siya pinansin at nakapikit parin ang isang mata ko.
"Brian." Rinig kong tawag ng isa niyang kasamahan, nagmulat naman ako ng mga mata. "Dadating na daw si boss mamayang gabi." Tuloy niya.
"Sige." maikling tugon ni Brain. Umalis na ang lalaki kaya muling binaling ni Brian sakin ang atensyon niya.
"Mukhang huling gabi mo na to sweetheart. Sayang kung sumama ka sana sakin noon, ililigtas sana kita. Kaso nagmatigas ka eh at pinili mo yung Ian na yun!"
Agad akong naalarma nung marinig ko ang pangalan niya.
"Wag kang mag-alala, dahil susunod siya sayo." ngising sabi ni Brian at naglakad na paalis.
"Walang hiya ka! Wag na wag mo siyang idadamay!" sigaw ko pero hindi niya na ko pinansin at tuluyan na siyang lumabas.
Please wag siya.. Sa mga oras na to ang kaligtasan lang ni Ian ang iniisip ko. Wala na kong pakialam kung ano ang mangyayari sakin. Tatanggapin ko ng buong buo ang katapusan ko at gagawin ko lahat ng gusto nila. Wag lang nila sasaktan si Ian.
-----------
Gabi na ngayon. Hinihintay ko lang ang pagdating niya. Napalingon ako sa lalaking pumasok sa warehouse na may dalang pagkain.
"Oh kumain ka muna." irita niyang sabi sabay lapag ng tray sa lupa. Nag-baba lang ako ng tingin din at muli kong sinalubong ang mga tingin niya.
"Ano, ayaw mo?" Iritado niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Wala ba siyang utak!? Hindi niya ba nakikitang hindi ko yun makain dahil nakatali ako!
"Nakatali ang kamay ko." walang emosyon na sabi ko. Napatango-tango naman siya at pumunta sa likuran ko. Naramdaman kong lumuwag ang tali sa katawan ko kaso hindi sa kamay.
"Oh yan kain ka na." sabi niya at pumunta na sa harapan ko.
"Paano ako makakain kung nasa likod ang mga kamay ko!?" Inis kong sabi sa kanya.
"Sinisigawan mo ko!?" sigaw niya at sinampal ako gamit ang likod ng kamay niya! Ang sakit! Sobrang sakit! Kaso hindi ko pwedeng ipakita sa kanyang nasaktan ako! Ayokong isipin nilang mahina ako!
"Pinapakain ka na nga namin! Sinisigawan mo pa ko!" Sigaw niya. Hinila niya ang buhok ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nalalasahan ko na naman ang dugo! "Pasalamat ka hindi kita pwedeng saktan ngayon!" inis niyang sabi sabay turo sakin. Muli niya kong sinampal.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...