Eya's POVIsang linggo na ang nakakalipas. Na-discharged na din ako sa hospital pero kung masakit daw ang ulo ko agad akong pumunta sa hospital.
Kailangan na din namin umalis ni Sean dito sa pilipinas dahil sa tagal na manatili kami dito. Mas lalong nanganganib ang buhay ko. Kasi anytime pwede na naman nila kong kidnapin
"Kailan kayo babalik ni Ian?" Tanong sakin ni Lai. Nagiimpake ako ngayon dahil sinabi ko kay Ian na gusto kong pumunta sa resort na kaming dalawa lang. Tinutulungan ako ngayon ni Lai, bukas na kami pupunta ni Ian dun sa resort na binook niya. Tumingin ako kay Lai at nginitian.
"After 2 days." tugon ko. Ayokong sabihin sa kanya na si Ian lang ang babalik dito sa Manila. Dahil alam kong pipigilan ako ni Lai kaya mas maganda ng hindi niya alam ang plano ko. Alam kong magagalit siya sakin, mas maganda na yun kaysa madamay siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I will miss her. Kahit hindi man kami magkadugo, tinuring ko siyang parang tunay na kapatid.
"Thank you for everything Lai." bulong ko. Niyakap niya din ako pabalik.
"Bes wag ka ngang mag drama, di bagay sayo." natatawang sabi niya. Natawa din ako at bumitaw na sa pagkakayakap sa kanya.
"Ma mi-miss kita Lai." nakangiting sabi ko.
"Ano ka ba, 2 days ka lang naman mawawala. Hindi naman forever diba!?" Natatawang sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya na mapait tsaka napailing-iling. "Sige na, matulog ka na." tuloy niya. "Good night!" Sabi niya bago siya umalis sa kwarto ko.
Napabuntong-hininga nalang ako at pinigilan ang sarili kong hindi umiyak. I'm sorry Lai, pero sana maintindihan mo rin na kailangan kong lumayo. Para sa kaligtasan niyong lahat.
KINABUKASAN
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga iniisip kong problema. Nagsulat din ako ng mga letters sa kanilang lahat.
"Bes nandito na jowa mo!" sigaw ni Lai. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko na ang bag kong nasa kama bago ako bumaba.
"Nasa labas na siya bes. Mag-iingat kayo! Have fun!" Sabi sakin ni Lai. Nginitian ko siya.
"Ingat ka din Lai." paalam ko sa kanya. Pagkalabas ko muli kong nilingon si Lai at kinawayan. Eto na ang huling kita ko sa kanya, hindi ko alam kung kailangan muli kami magkikita.
Agad akong sinalubong ni Ian ng yakap nung lumapit na ko sa kanya. Kinuha niya ang maleta ko at bag tsaka niya nilagay sa back seat. Sumakay na ko sa loob at tumingin muli kay Lai. Nung sumakay na si Ian kumaway kami ni Lai sa isa't isa at mapait akong ngumiti sa kanya.
"Are you ready Love?" nakangiting tanong ni Ian. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.
"Yes, Love." tugon ko, hinalikan niya naman ang kamay ko at tumingin na sa harapan.
I want to spend every second, minutes, hours, and moment na kasama ko ang lalaking mahal ko. Kahit sa huling pagkakataon gusto kong maranasan ang maging masaya kaming dalawa ng walang prinoproblema.
--------------
"Wow! Ang ganda naman dito Love. Hindi ba mahal dito?" tanong ko sa kanya nung makarating na kami sa resort.
The view in our room is so beautiful! Kita ang ganda ng dagat kung nasan ang kwarto namin ni Ian. Malaki at maganda rin tong suite na kinuha niya! Pag mayaman talaga!
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...